Mcdo [chapter 9]

3.5K 36 20
                                    

At basag ang lower part ng spinal column niya. Comatose na ang pasyente, unconscious na ang katawan niya ngayon. Dumaloy ng mabilis ang luha ko, hindi ko napigilang umiyak. "Doc, may pag-asa pa siyang maka recover diba?" Doc: Sa case ng pasyente maliit lang ang chansa. Kung maka recover man siya, magiging gulay na siya.Imomonitor naming siya ng 24 hours, pag walang pagbabago, pwdeng hindi na magising ang pasyente ng tuluyan. Naging malungkot ang sitwasyon, iyak ng iyak ang nanay ni Kenneth, habang ako tinatatagan ko ang aking sarili. Lumipas ang oras, wala pa ring nangyari. "Raymond, uwi muna ako sa bahay, babalik ako kagad, bantayan mo ang anak ko ha." Pagkaalis ng nanay ni Kenneth, dinala si Kenneth sa ICU. Pumasok ako, hindi ko napigilang umiyak. May pumasok na Nurse. "Pamilya po ba kayo ng pasyente? May nakuha po kasi kami sakanya, isang sobre at maliit na kahon. Pag mamay-ari po ata ito ng pasyente. Pagkakuha ko ng sobre at maliit na kahon, binasa ko agad ang laman ng sobre. "Mcdo,Happy 3rd year anniversary! Patuloy kitang aalagaan at hindi kita sasaktan. Mahal na mahal kita, ikaw na ang nag silbi kong mata, puso at lungs ko. Kaya wag mo akong iiwan kasi mamamatay ako. Hindi natin alam kung kelan hihinto ang oras na nakalaan sa atin. Maigsi lang ang buhay, mas magandang matapos ng masaya kaysa puno nag pagdurusa... WAKAS." Dalawang singsing ang laman ng kahon. Sa ibabaw ng singsing may nakaukit na "Mcdo"at sa ilalim naman ay pangalan naming dalawa. Napatingin ako bigla kay Kenneth. "Mcdo, gumising ka na! alam kong naririnig moko!, hindi ko kayang mabuhay ng wala ka please! Gumising kana! Marami pa tayong pangarap diba? (Walang tigil ako sa pag-iyak) Kinuha ko ang kamay ni Kenneth, "Ito ang simbulo ng pagmamahalan natin, ang daya mo, ikaw dapat ang mag susuot nito sakin, nakakainis ka" Isinuot ko ang singsing sakanya ganun din sakin. "Mcdo, hihintayin ko ang paggising mo ha, habang natutulog kapa, ako naman ang mag aalaga sayo. Ilang beses mo na akong iniligtas,hindi mo ko pinabayaan at hinayaang masaktan, ngayon ako naman ang mag aalaga sayo, hindi kita iiwan! Salamat sa singsing salamat sa importansya na pinakita mo palagi sakin hihintayin ko ang pag gising mo."Dumating na ang nanay ni Kenneth. "Anu daw ang balita sa anak ko?" Sabi ko: Wala pa rin po.Pero mga 30 mins babalik ang Doctor dito para malaman kung ano na po ang kalagayan niya. "Ma, uwi muna ako babalik din ako kagad. Malapit lang naman po yung apartment dito." Sabi niya: Sige mag ingat ha. Mabilis akong umuwi, nagpalit lang ako ng damit kasi puro dugo at dali dali na akong bumalik sa hospital, mejo traffic pero nakarating din. Pagpasok ko ng ICU, "Ma, ano na daw po ang lagay ni Kenneth? Nakatalukbong ng puting kumot si Kenneth, nabitawan ko ang mga dala ko sa mga nakita ko, "Wala na ang anak ko" sabi ng nanay ni Kenneth habang walang tigil sa pag-iyak. Muling dumaloy ang luha ko, hindi ko na alam kung kaya ko pang magpatuloy sa buhay ko ngayong wala na siya. Dumaan ang maraming taon at iniwan ko na ang apartment, nagpatuloy ako, tinatagan ko ang loob ko, sigurado akong ayaw ni Kenneth na nakikita akong nag kakaganito. Maraming taon ang nagdaan,marami nang nagbago. Sariwa pa rin sakin ang mga nangyari. Walong taon na ang nakalipas mula ng mamatay ka. Ngayon, kaharap ko ang iyong lapida. "Kamusta ka na? Pasensya ka na kung ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob dumalaw sa puntod mo, marami ng nagbago, hindi ko akalaing magkakaroon ako ng asawa at anak. Dalawang taon na kaming kasal ni Kaye, nagkaroon kami ng isang anak, Kenneth ang pangalan niya. Alam ni Kaye ang tungkol satin, tanggap naman niya ako. Hindi ko pa din hinuhubad yung singsing na binigay mo. Itatago ko to habang nabubuhay ako.. Miss na miss na kita MCDO.." 

~ ~ ~ THE END ~ ~ ~

Mcdo [Pinoy Bi Love Story]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora