Ang Tricycle Driver

101 2 2
                                    

“Ang tagal ha! Isang oras na akong naghihintay dito!” agad na sigaw ko nang pumasok ang unggoy gang sa classroom namin. Nagsiuwian na ang mga cleaners ng araw na ‘yon at dahil maganda ako, ako na lang ang naiwan. Actually, OA lang talaga ako kasi ten minutes pa lang ako naghihintay. Pero kahit na! Time is gold! ‘Di ko nga alam kung ano pumasok sa utak ko at pumayag ako. Dapat tumakbo na lang ako kung saang lupalop ng mundo kung saan safe ang future ko at hindi ako makikita ng unggoy gang. Dapat nagtago na lang ako at pinalitan ang pangalan ko ng ‘Maria’ para hindi ma-trace ng unggoy gang. I can’t believe it! Nagsinungaling pa talaga ako kay Romi at kay Mayumi na susunduin ako ng ate ko. Like, duh?! Ate ko susunduin ako?! Pumuti muna ang uwak at ang budhi ni Lennon!

“Oh talaga? Dapat umiyak ka,” sabi ni Boy Burger at tinapat sa kaniya ang electric fan na noon ay hinahanginan ako. Umupo siya sa tabi ko at kumportableng kumportable pa siya sa upuan niya. Naka-de kuwatro pa nga. Ang kapal talaga ng mukha. Hindi siya bagay dito!

“Ang kapal ha. Sa’yo talaga finocus. Pampam ka rin, no?” sabi ni Juliet. Nakatayo lang ang unggoy gang sa may pintuan.

“Pampam mo mukha mo,”

“Excuse me, hindi papansin ang mukha ko.” Tinuro ko ang maganda kong mukha. “Dahil pansinin naman talaga. Ang ganda ko kaya.”

Kumunot ang noo ni Boy Burger. “Maganda ka? Sino nagsabi, nanay mo?”

“Oo. Kasama na ro’n ang buong sambayanang Pilipino,” pagmamayabang ko. Aba, totoo naman. Bulag na lang ang hindi makakaappreciate sa gandang taglay ko. Boom panes!

Sa bagay, si Boy Burger din naman nakaka-boom panes ang ichura. Ang mukha, amoy, at appeal, boom. Ang ugali, utak, at bait, panes! Boom panes!

“Sus. Ayoko nang makipagaway sa’yo at baka umiyak ka pa. Tara na nga. Late na tayo,” sabi ni Boy Burger at hinila ako.

“Teka nga!” inalis ko ang hawak niya sa’kin. “Late na pala tayo tapos late mo ako sinundo, at prenteng prente ka pang naupo. Ogag ka ba?!”

“Oo. Kaya tara na,” sabi niya. Hinila niya ako at wala na akong magawa kun’di sumunod na lang. Mukha tuloy akong aso. Naglakad na kami papunta sa parking lot ng unggoy gang. Nakakahiya! May iilang estudyante naman na nasa school pa at tinitignan kami. Baka akala nila friends kami. Oh noes!

Pagdating sa parking, marami rami pa ang mga estudyante na nando’n. Mas kinabahan tuloy ako kasi baka nando’n pa ang mga kaklase ko. Buti na lang at nasa bungad lang ang sasakyan nila Boy Burger – teka, sasakyan ba ‘yan?

“Tricycle?!” sigaw ko kay Lennon. Pumapasok na si Elso, Deks at Elmo sa loob at para silang sardinas. Parang mga ogag na pinipilit na sumiksik sa lata. Si Travis, sa likod sumakay kung sa’n nila nilagay ang mga gamit nila. Ang bulok pa nito! Nag-expect naman ako na big bike ang dina-drive niya dahil halata naman sa appearance niya na bad boy siya at gano’n talaga ang sasakyan ng mga bad boy sa mga storya, ‘di ba?

“Puwera kung ang tawag dito ay bike, hindi ‘to tricycle. Halata naman ‘di ba? Tatlo ang gulong kaya tricycle ang tawag. Sumakay ka na sa likod ko,” utos niya. Hinubad niya ang polo niyang white. Nakita ko tuloy ‘yong mga tattoo niyang parang mangangagat.

“Sa likod mo? As in sa mismong likod mo, o sa puwesto sa likod mo?” tanong ko. Napa-facepalm ako sa utak ko. Naka-katol ka ba, Julie?! Ba’t ka kinakabahan?! Kinakabahan talaga ako kapag nandiyan si Boy Burger. Gan’to ako kapag natatakot o kinakabahan, natatanga ako sa mga simpleng bagay.

“Siyempre sa puwesto sa likod ko. May sapak ka ba, ha? Ala nga namang sa likod kita sumakay?” sabi niya. Tumango na lang ako. At nasa’n na ang katipunera sa loob mo, Juliet?! I mounted the bike reluctantly. Bakit ba kasi rito ako sa likod niya?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 08, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Infinite PossibilitiesWhere stories live. Discover now