CHAPTER 6

244 4 0
                                    

P.O.V. CARLO

"Mae sandali lang?" tawag ko nang makita ko sya.

"huh bakit?"

"May gagawin ka ba? ano kasi papatulong sana ako sayo sa project ko... kung ok lang" hinawakan ko ang mga kamay nya at nginitian ko...

Yung kasi ang charm ko sa mga babae dahil pagngumingiti ako ay lumalabas ang malalim kong dimples na ikinakikilig ng mga babae...

"Huh.... ok sige pero pero pwede ba bukas nalang magkita nalang tayo sa library"

"Ok sige see you tomorrow" pakindat na sabi ko.

.......
P.O.V. ANDREA

Naglalakad ako sa campus nang makita ko na  hinila ni Carlo si Mae para hindi matamaan ng bola...at ngayon ay nakayakap pa kay Carlo.

Para akong nakakain ng siling pula sa galit sa mga nakita ko umuusok na ang tenga ko sa babaeng yun.

"Enenjoy mo pa talaga ang pagyakap" gigil na bulong ko sa sarili habang nakatingin kay Mae.

"O.M.G. totoo ba yun nakikita ko nakayakap sa love's mo si Mae" pasigaw na sabi ni Elaine.

"Humanda talaga sa akin yan babaeng yan dahil may naisip na akong plano tulad nang ginawa ko sa haliparot na si Cheska" mariin sabi ko.

Kinatutsyaba ko ang dalawang kaibigan ko na maglagay ng maniquen at isabit na parang nagbigti...sa isang cubicle ng c.r.

Pagkatapos ng unang class ay inabangan ko paglabas ni Mae....

"Mae.... nilalandi mo ba si Carlo?" matigas kong sabi.

Pero imbess na sagutin nya ako ay lumayo sya sa amin at tumakbo..

"Girl... ano yun binastos ka na para bang nakakita sya ng multo?" pang iinis ni Tin.

"Multo pala hah.... talagang makakakita sya nang multo mamaya pero sa cr... tignan ko lang" natatawa ako habang iniisip kung ano magiging itsura nya sa mga plano ko.

"Yeah right" segunda ni Elaine saka kami nag apir.

Pagkatapos nang  huling klase ay isinagawa na namin ang plano....

Ang plano ay paghihiwalayin namin yung magbestfriend na si Rhea at Mae tapos kunyari ay natagusan si Rhea at ibibigay ni Mae ang napkin sa cr tapos ganun lang kadali diba...

Maya maya pa ay napapunta na ni Elaine si Mae sa Cr.. nang pumasok siya sa isang cubicle ay agad ko pinatay ang ilaw saka ikinandado ang pintuan...

Rinig na rinig ko mula sa labas ang malakas nyang hiyaw na parang takot na takot at nakakarinig rin kami nang mga kalabog.

"Girl ano na kaya nangyayari sa kanya...." naawang sabi ni Elaine.

"Haiz naku baka nababaliw na sa takot kaya tara na hayaan natin sya maya maya ay pupunta na rin naman yung janitor dito kaya magenjoy na muna sya dyan" natatawang sabi ko.

Inaya ko na ang mga kaibigan ko napagpasyahan nalang namin na balikan nalang ito muli maya maya.

..........
P.O.V. MAE

Sa sobrang saya ko ay nakalimutan ko na ang mga multo... swerte rin naman at wala na ulit nagpapakita pa sa akin... siguro dahil nakafucos ang attention ko kay Carlo, lalo na sa ginawa nitong pagliligtas sa akin.

Ang akala ko ay maghapon ng walang istorbo pero biglang lumitaw sa harapan ko si Casper.

"Anak ng Tinapa!" gulat na sabi ko.

CASPER MY BOYFRIEND IS A GHOSTWhere stories live. Discover now