Chapter 18 - Ako'y sayo at ika'y akin lamang

1.3K 49 25
                                    

DANIEL'S POV

 


Tinutulungan ako ni Vince na makapagtraining para dun sa sinalihan ko. Naalala ko kasi dati tuwing kinkwento sakin ni Lara yung tunkol sa taekwondo niya parang gustong gusto niya sumali eh. Kaya nauna na 'ko para pag sumali ako lumakas loob niya na sumali na rin.

Wag kayong magaalala dati na 'kong varsity ng track&field samin sa dating school. 'Di lang alam ni Lara dahil busy siya kakacheer dun sa di makashoot shoot niyang syota -____-

"Pare kailangan bilisan mo pa onti!" sigaw niya dun sa megaphone kaya napatigil ako. Takte bat ba kasi nagdala pa sya niyan ang sakit sa tenga! >_>

Lumapit siya sakin may dalang tubig. "kailangan araw araw tayong magpractice! Hina na ng engine mo eh" pinalo palo naman niya yung binti ko.

Umupo muna ako sa damuhan. "kaya mo pa ba?" tanong niya nagnod lang ako. Dapat ipanalo ko 'to kahit na hindi siya makanuod sa 17 kailangan matapos ko yung sinimulan ko. Turo niya yan eh!

"Sa tingin mo mananalo pa 'ko?" tanong ko sakanya napatingin naman siya sakin.

"Basta ba training araw-araw!" napapalo naman siya sa balikat ko at tumawa. Kailangan kong gawin 'to "oh ano game na!" tinulungan niya 'kong tumayo at tumakbo 'ko ulit.

Magtitiis ako para sayo. Ibibigay lahat basta kaya ko. Kakayanin ko ang sakit para lang sayo. Pero kung di mo pa rin ako mahalin sa kabila ng lahat ng ito, para sayo, maghihintay ako.

 Shit san ko napulot yun? >________>

- -


Tatlong araw na 'kong nagp-practice. Bawat uwian, break time, tuwing gabi lahat na ng oras practice.. practice at practice.

Tatlong araw ko na rin hindi nakakasama si Lara. Minsan ko na lang siya makausap tapos wala pang mga limang minuto yun at puro tungkol pa sa pesteng practice na yan. Hindi 'ko na matiis gustong gusto ko na matapos 'to.

Nami-miss ko na siya..

"Dan wala tayong practice ngayon ah pahinga ka muna" biglang sabi ni Vince ng madaanan ko siya sa may locker niya. "sige na puntahan mo na Lara mo. Tatlong araw ka ng mukang namatayan eh" tapos tinapik niya yung balikat ko.

When It All Falls DownWhere stories live. Discover now