Found#11

18.1K 806 108
                                    

"I'm sorry JM but I want to go back to my brother's home, he needs me. Kapatid ko ang lalaking kinamumuhian mo. Kung hindi ko siya pupuntahan sino pa ang maaaring mag malasakit sa kaniya. Alam mo kung gaano kahirap at napakasakit kung alam mong tinataguan ka ng taong mahal mo. Nakakabaliw ang one sided love at dinanas ko na iyon. My brother broke now, alam kong malaki ang kasalanan niya dahil sa pagkakamali na nagawa niya. Late niya lang na realize na mahal na mahal pala niya ang pinsan mo. Hindi ko kayang makita na sinisira ni Kuya Marcus ang sarili dahil kay Caithlyn. At nangako ako na babalikan ko siya, ako lang ang tanging makakatulong sa kanya. Alam kong maiintindihan mo dahil nagmahal ka din ng sobra dati. Nagsakripisyo ka din dati sa Kuya Charles mo, ngayon ako naman for my Kuya's sake."


"Kahit ang kapalit ay tuluyang pagkasira nang ating relasyong dalawa ay aalis ka pa rin? Paano ang dalawa nating anak? Hindi mo man lang ba isasa alang alang sila? Ako na asawa mo, wala na ba talagang halaga sa'yo? Gusto mo akong talikuran dahil kailangan ka ng kapatid mo? At ngayon na hindi niya mahanap ang pinsan ko kaya kailangan ka niya? Ano ang gusto mong gawin ko para lang manatili ka sa piling namin ni Harry? Tell me Gianne, at kahit mahirap ay sisikapin kong gawin alang alang sayo. You're my wife, my life and my happiness, Gianne. So tell me at kahit ano ay titiisin ko para hindi mo lang kami iwan."


"Dalhin mo ang iyong pinsan na si Caithlyn kay Kuya, kapalit ng pananatili ko sa piling mo. For now ay doon muna ako at babalik lang ako sa piling mo pag nagawa mo 'yon. Sa ngayon ay aalis muna kami ni Harry, at kung talagang mahal mo ako, kami ng mga bata ay darating ka with her."


Ngayon niya napagtanto kung gaano kasakit na mas pinili pa ng kaniyang asaswa ang kapatid nito kumpara sa kaniya. At sa pangalawang pagkakataon ay ito na naman siya. Palagi na lang bang kailangan niyang mag sakripisyo? Ganito ba kahirap ang dapat niyang pagdaanan maibalik lang ang kanyang mga mahal sa buhay? Anong gagawin niya kung sakaling hindi niya mahanap ang pinsan o hindi ito pumayag?"


Kinabukasan ay nagising na lang si JM na mag isa, wala na ang kanyang mag ina. Bakit ganito ang kanyang buhay, kaunting saya at mawawala din agad. Ito ba ang fate niya? Ang palaging mawalan ng minamahal? Ang sakit at ang hirap tanggapin pero wala naman siyang option. Siguro talagang hindi na siya mahal ng kanyang asawa. Hindi naman niya iyo masisisi dahil siya ang puno't dulo ng lahat. Siya ang may kasalanan kung bakit nangyari ang gulo sa kanilang lahat. Nakakapagod na ang paulit ulit na dinadanas niyang pagdurusa. Siguro kailangan na niyang tanggapin na kailanman ay hindi na sila maaaring magsama pa ni Gianne. Hindi naman siya robot para hindi mapagod, tao lang siya. Kung hanggang dito na lang sila ng kanyang asawa ay talagang hindi sila para sa isa't isa. Ayaw niyang gamitin ang kanyang pinsan para lang mabawi ang mga ito. They rich at mabubuhay ang mga ito ng wala siya. Marahil ay ipapasa Diyos na lang niya ang lahat, kung ito ang nakatadhana ay dapat niyang tanggapin. Kaya nagdesisyon siya, kinausap niya ang lahat ng kasambahay pati na ang mga bodyguard.


"Pasensya na ho kayong lahat pero hanggang dito na lang ang pagsasama nating lahat. Final na ang desisyon ko na lisanin ang bahay na ito, isa pa ay kailangan kong mag stay ng London. Please pack all your things and two days from now ay lilisanin natin ang lugar na ito. Ibibigay ko sa inyo ang lahat ng para sa nararapat sa inyong lahat. At gusto kong samantalahin ang pagkakataong ito para pasalamatan kayong lahat. Sa mga kabutihan, kabaitan at pag aalaga sa aking pamilya, maraming salamat."

"S-sir hindi na po ba babalik si Ma'am at si Little Master Harry?"


"H-hindi na, doon na sila titira."

BOOK #3: SACRIFICES OF A BROKENHEARTED  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon