Simula

13 1 0
                                    

"Taltong buwan nalang dre. Hindi kana binata" sabi ni carl habang nag aayos siya ng mga alak para sa party daw namin mamaya na hinanda nila.

"Paano ba yan dre. Ipaubaya mo na samin ung mga chicks mo" sabi ng isa kong kaibigan sa basketball.

" Hayaan mo na dre. Okay lang yan maganda naman si Madison." Asar ng loko kong kapatid

Si Madison Alcantara siya ang dahilan ng lahat ng pag hihirap ko. Kung hindi lang babawiin lahat ng bank accounts at mga sports car ko ay hindi talaga ako papayag jan sa gusto ni mommy lola ko.

Halos araw araw kong ligawan ang mommy ko para lang sabihin sa mama ni papa na tigilan na ang kalokohang to.

Kung sana ay hindi ko hinayaang makalapit ang babaeng desperada na ikinama ko kay mommy lola ay hindi aabot sa ganito..

"Kuya. Ayaw mo ba talaga kay ate madison. " taning nitong si andre na nakikisali samin.

Magkasunod lang kami ng edad neto tatlo lang kaming mag kakapatis at ako ang ang pangalawa si Ate Jeniffer ang pinaka matanda samin.

Wala si ate Jennifer dito sa pilipinas kase nagaaral pa siya sa ibang bansa. Oo walang katapusang pag aaral lang ang gusto ng ate ko.

Nasa America siya nung malaman niya na ganito ang gustong mangyari ni mommy lola. Kahit siya hindi makapaniwala.

Sino ba namang may gusto na ipakasal ka sa anak ng isa sa pinakamayaman dito sa pilipinas. Hindi naman namin kailangan ng pera nila kase mayaman din naman kami.

" Ewan ko sayo Andre. Kung gusto mo si Madison ay layo nalang ang magpakasal. "

" Kung pwedi lang kuya ay ginawa ko na. " aniya

" Edi sabihin mo kay mommy lola"

"Ayaw ko. Kung gusto ko siya hindi ko siya pipilitin sa ganito kuya. Mas gusto kong kusa siyang magkakagusto sakin ng walang nagsasabi sa kanyang gustuhin niya ko. " anito

Tss. Andami talagang alam neto ni Andre pag dating sa mga babae nag mana yata sakin sa pagiging Asshole.

Hindi ko naman itatangi. Desperada lang talaga tong si Cristine at ginawa talaga ang lahat wag ko lang siyang iwan kahit na hindi ko naman talaga siya gusto.

Nakilala ko siya noong nag bar kami ng mga kaibigan ko sa race car kakatapos lang namin magkarerahan gamit ang nag gagandahang mga race cars namin at dumiretso sa bar para mag chill. Nakaupo siya nun sa high chair sa tapat ng bartender ng magkayayaan kami ng mga kaibigan ko na mgahanap ng babae siya ang gusto ng mga kaibigan ko na maging target ko nang araw na yon.

Sinabi ng mga kaibigan ko na lapitan ko daw siya dun sa stall ng bar kung saan siya nakaupo. Sobrang lakas na ng music sa loob ng bar at sobrang dami na din ng mga taong nagsasayaw dito. Habang naglalakad ako ay madaming bumabati sakin. Nginingitian ko lang sila at ang iba ay hinahalika ko sa pisngi.

Sunuyod ko ang maingay na crowd at nang malapit na ko sa kanya ay nilingon ko ang mga kaibigan ko at sinabi ko sa mga to na manood sila.

Umupo ako sa katabi niyang high chair. Parang di manlang siya nagulat sa ginawa ko.

Sumenyas ako sa bartender na bigyan ako ng beer. Habang hinihntay ko ang beer ay nakatingin lang ako sa kanya. Maganda , chinita makinis ang balat at parang galing ibang bansa. Napatulala ako sa labi niya.

Nagulat akong lingunin nito. Nahuli niya kong nakatingin sa mga labi niya di ko mawala ang tingin ko sa mga to. Ang ganda niya ang pila ng mga labi niya. Bigla nalang bumaba ang tingin niya sa mga labi ko.

Lumapit siya sakin at tinitigan ako ng mas malapit. Nginitian ko siya. Namula siya ng ginawa ko yun. Kaya nagiwas siya ng tingin.

"May kasama ka ba miss? " tanong ko dito sa pinaka malamibing kong tono

He left me ( On-going)Where stories live. Discover now