Chapter 2

26 1 0
                                    

Eunice

"Class dismissed." 

Niligpit ng prof ang mga gamit niya saka lumabas ng room, habang ang mga classmates ko ayun todo stretching. Ang iba naman ayun naka salpak pa rin ang mukha sa lamesa at natutulog parin. Marami naman ang parang ilang taon na hindi nakakapag Christmas at magcecelebrate ba naman daw. Paano ba naman kasi eh last subject na namin yun para sa araw na to,  agad naman akong nagligpit ng gamit at tinext si Jen. 

Magkita tayo sa main gate 1, tapos na klase ko.

Send!

Pagkatapos ko itext si Jen, umalis na ako ng room at naglakad sa hallway. Masaya naman ang araw na to, wala naman nangyaring masama maliban doon sa eskandalong ginawa ni Jen kaninang umaga, walang hiyang babae talaga siya. Tsk tsk!

*kringgg kringgg*

Agad ko naman sinagot ang tawag ng walang tingin tingin sa screen ng phone ko kung sino ang tumatawag.

"HOY BABAE KANINA PA AKO ANDITO SA GATE, KANINA MO PA AKO UMAGA PINAPAHINTAY AH ASAN KA NA BA?!?!"

Nilayo ko agad ang cellphone ko sa tenga ko, aba! siya pa tong galit eh mas mauuna talaga siyang matatapos sa klase eh hindi naman pumasok yan kanina eh. tumambay lang sa clinic yan dahil sa kahihiyan. Kawawa naman ako na pumasok pa ng klase para may matutunan.

"Oo na po kamahalang Jen, malapit na po ako."

"BILISAN MO!" At yun na nga po mga kaibigan, binabaan na po ako ng lola niyo.

Nakaka-isang hakbang pa lang ako ng hagdan nang may bigla na lang akong narinig na mga boses. Mahina lang iyon pero napaka linaw ng mga naririnig ko.

"Tulungan niyo kami!"

"Kargahin niyo, marami pa tayong masasalba!"

"Dalian niyo gumalaw!"

Bigla na lang nawala ang mga boses na humihingi ng tulong. Tiningnan ko naman agad ang magkabilang direksyon ng hallway pero ako na lang ang magisang estudyanteng narito. Tiningnan ko agad ang baba at akyat ng hagdan malapit sa hawakan nito, pero wala namang taong pababa o papataas na dumadaan ng hagdan. Agad naman ako bumalik ng hallway at tiningnan ang mga classrooms na malapit sa akin pero walang tao hanggang sa mapadpad ako sa isang classroom na may teacher na naka-upo habang may chine-check na test papers.

Wala naman sigurong mawawala kung tatanungin ko siya kung may narinig siya'ng mga boses kanina o wala, diba? Hindi naman siguro siya magagalit kahit hindi naman related sa subject niya ang tatanungin ko. Haiish!! Gusto ko lang naman makasiguro na hindi pa ako nababaliw.

Kumatok ako sa classroom at nakita kong tumingin siya sa gawi ko. Sinenyasan niya ako na pumasok saka ko naman binuksan ang pinto at pumasok na.

"Ms. Arcillia may I help you?"

"Sir may tatanungin lang po sana ako."

"May hindi ka ba naintindihan sa klase?" tanong niya

"Hindi naman po sa ganun." sagot ko naman

"Then what's the matter?"

Shemay!! Paano ko ba to sasabihin na hindi nagmumukhang baliw?

"Kasi sir gusto ko lang po sana tanungin kung may narinig po ba kayong mga... ahh"

"Mga ano Ms. Arcillia?"

"Mga boses po"

"Mga boses?" tanong niya

Half BloodedWhere stories live. Discover now