Behind the Words

7 0 0
                                    

Unang sulyap mo palang, Nahulog na'ko
Kahit alam kong di pwedeng maging tayo
Nagalala, ngunit di binigyang pansin
Naguluhan, ngunit minahal ka pa rin.

Lumipas ang araw ikaw ang kasama
Puso ko binigyan mo muli ng saya
Mga ngiti na binigyan mo ng kulay
At mga salita na nagbigay buhay.

Ngunit ang tadhana ay tunay na mapaglaro
Pag ibig na inilaan, iyong pinaglaro
Matatamis na salita, isa lamang biro
Ngunit mahal, pagibig ko'y naging totoo.

Akala ko noong una, pag ibig na
Pero Pansamantalang kilig lang pala
Salamat, at ako'y iyong napasaya
Paalam, sana ika'y maging masaya.

-------------
Habang sinusulat ko ang tulang ito ay napapaluha ako... huhu! Ikwento ko lang kung ano ang nasa likod ng tula.

Sa school may performance task kami sa major subject namin at kailangang maghanap ng partner. E itong mga kaibigan ko dahil mahal na mahal ako, iniwan ba naman ako sa ere! Kaya ayun wala akong partner.. tapos.. yung kaklase ko, tinawag niya ko "tayo nalang mag partner gusto mo?" Aniya niya. E syempre ako di naman ako choosy kaya Go lang ang ate niyo! Hehe

After school nagchat siya..
"Practice tayo bukas pumasok ka ng maaga"
"I memorize mo yung script mo para ayos na lahat bukas"

Hayy nako kulet neto. No need to remind me! Dahil memo ko na tsk

"Memorize mo na niyan?"
"Magreply ka!"

"Oo memorize ko na! Kulet mo e! Ikaw dapat magmemo dyan kapag naman di mo memo, malilintikan ka!"


Haay na triggered ako dun ahh. Ang kulit kasi niya.

"Sige chat kita bukas para maaga kang magising"

"Duhh? Ikaw pa talaga mag gigising sakin baka ikaw!"

"Asan na # mo para matawagan kita bukas para sigurado kung magigising ka ng maaga"

Wow. Para paraan din tong mokong na to e. Dadahilan pa pag aaral. Haha! Sige na nga bigay ko na. Tama naman siya e kasi tulog mantika ako! Lalo na ang aga ng pasok namin kaya binigay ko nalang number ko. Baka kasi kulitin pa niya ako e.

Unknown number
Text message
-asan kana? Papunta na ako ng school e. Tulog ka pa ata!!
-hoy!
-Anna?!!
-Asan kana?!

Napagising naman ako dahil sa pag beep ng phone ko. Haay ang dami message ni david. Bahala nga siya maghintay dun. *evil laugh

Pagpasok ko ng school nakita ko na agad siya sa waiting area. Aba talagang hinintay niya ko ah. Mukha pa siyang galit. Haha! Late kasi ako sa usapan naming oras.

"Ang tagal mo!" Hinila niya ko at naglakad na kami.

"Di nga ako nakapag-suklay e! Samal ka talaga!" Pumunta kami ng 3rd floor at doon kami nagpractice. Ewan ko lang kung may mapractice kami dahil 30 minutes nalang start na ng klase namin.

Hays! Nakakainis tong david na to. Sabi na e. Di niya 'daw' memo yung script. Pero feel ko naman memo niya talaga. Nagpapanggap lang to para makasama lang ako! Hahaha. Halata kasi sakanya e.

Ang saya ng practice namin dahil napaka funny niyang tao. Bawat usapan namin, binigyan niya ng joke. Minsan nahuhuli ko nalang siyang nakatingin sakin at titignan ko nalang din siya. Kung sa malayuan makikita mo mukha siyang pusher hahaha jugdemental aq. Kulot kasi buhok niya at mahaba. Pero nung nag eye to eye kami.. iba yung naramdaman ko. Gusto ko tanggalin yung tingin ko, kaso ayaw e. Naiilang ako.. feel ko kasi rereypin niyako.. HAHAHA! Pero ang cute ng mga mata niya. Masaya ako kasi siya naging partner ko. Napasaya niya kasi ang umaga ko e. Tsaka napaka sweet din niya. Kaya di na ko magtataka kung bakit may GF siya. Speaking of!! Oo nga may Gf siya kaya dapat di ko nararamdaman to. Haay. Napakamot nalang ako ng ulo.

TEMPORARYTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang