Chapter 58

19 2 0
                                    


RHETT PoV

Nagising ako dahil nakaramdam ako ng gutom, pagtingin ko sa orasan, laking gulat ko na lang ng makitang alas dos na ng hapon, demwit! Ganon ba ako kapuyat at masyado ng mahaba ang naitulog ko. Mamayang four na ang uwi namin ni Noona..

Agad akong naligo at lumabas ng kwarto ko, nakita kong nakatulala lang si Noona na nakaupo sa sofa habang nakasandal.. Anong problema nito?

Umupo ako sa single sofa at nag dekwatrong pangbabae.

"Hey Noona!!" Agad na bati ko. Pero hindi parin niya ako pinansin kaya naman mahina ko siyang hinamapas sa braso kaya naman napatingin siya sa 'kin..

"Bakit ka ba nang-hahampas!?" Asar na sigaw nito sa 'kin.. Napanguso na lang ako sa kanya.

"Eh kasi naman Noona napakalalim ng iniisip mo. Tch! Tinatawag kita kanina, hindi mo ako pinapansin, ano bang problema!? Kanina okay ka naman.." Tanong ko sa kanya, bumuntong hininga siya at tila ba nagdadalawang-isip kung sasabihin niya o hindi..

"W-wala.. Uuwi na tayo." Sabi nito at tumayo. Ako naman ay bahagyang nagtaka.

"H-ha? Bakit? T-teka, Noona.. Nagugutom ako. May pagkain ba!?" Tanong ko sa kanya.

"Pumunta ka na lang sa kitchen, meron 'don.. After mong kumain, aalis na tayo.." Sabi nito at iniwan akong tulala, anong nangyari 'don?

Pagkatapos kong kumain, ready na talaga si Noona na umuwe kami. Ano namang masamang hangin at bigla na kang nagyaya siyang umuwi!?

"Ano!? Tara na!?" Aya nito sa 'kin.

"T-teka naman Noona, magbibihis lang naman ako at, aayusin ang gamit ko.." Sabi ko sa kanya at naglakad ako papunta sa kwarto ko.

Napailing na lang ako dahil, mukhang wala sa sarili ngayon si Noona, tch! Nag-away siguro sila ng boyfriend niya.

'Ayan kasi, mag sho-shota, tapos kapag nag-away damay ang inosente. Huhuhu like me..'

TT_______TT!!!!!

'Kawa kana Rhett, sa gwapo mong yan. Lagi ka na lang nadadamay..'

Nang makapasok na kami sa airplane ay agad na sumalampak ako sa upuan.. At sumilip sa bintana.. Nung lumabas kami kanina sa hotel, sa resort namin ay hindi ko na nakita sila Tiger, at nagmamadali si Noona. Tch! Tumingin ako kay Noona na malalim ang iniisip..

Gusto ko sanang magtanong kaso, nakakatakot masigawan. Huhuhuhu!!!

"N-nakita ko siya.." Wala sa sariling sabi ni Noona, kaya naman napatingin ako sa kanya na parang naluluha. Bahagya naman akong nagtaka.

"Who?" Puno ng kuryosidad na tanong ko sa kanya.

"F-first love ni Jacob.." Aniya. Bahagya lang napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Hindi ako makasagot.. Kahapon lang pinag-uusapan namin tapos nakita ni Noona?

"Pa-paano ka nakakasigurado N-Noona, malay mo hindi siya.."

"Damn it Rhett!! Sa dami ng stolen p-pictures niya sa cellphone ng b-boyfriend ko, na iba't-ibang anggulo, h-halos ma-memorized ko na ang pagmumukha ng first love niya.. Damn!" Halatang frustrated na sabi ni Noona.. Dahil medyo malakas ang boses ni Noona, may ilang pasahero na napatingin sa gawi namin..

Whisper Of Our HeartWhere stories live. Discover now