Chapter 1

1.8K 51 6
                                    

* Andrea's PoV

Napabuntong hininga ako nang maabutan ko na naman si Papa na lasing. Nakahiga siya sa upuan naming de kahoy habang may hawak siyang bote ng alak na nakapatong sa kanyang tiyan.

Simula nang iwan kami ni Mama para sa ibang lalaki ay naging ganyan na si Papa. Naging lasenggo na siya pero mabait pa din siya lalo na sa akin. Minsan nga kahit lasing siya ay pinagluluto pa din niya ako nang pagkain yun nga lang syempre palpak na ang lasa.

Ibinaba ko ang bag ko at nagsimulang iligpit ang mga kalat niya. Galing ako sa part time job ko sa isang fast food chain. Next week naman ay start na nang klase. Mabuti na lang nakapasa ako bilang scholar kaya wala na akong masyadong problema.

Pinili kong mag aral sa isang kilalang unibersidad. Mas malaki kasi ang tiyansang makahanap ako nang mas maayos na trabaho kapag galing ka sa kilalang university.

After kong maglinis ay nagpahinga muna ako saka naligo. Nakakapagod pero ayos lang naman. Kailangan kong magpursigi para sa kinabukasan ko.

Para sa amin ni Papa..

Alas singko nang hapon ng makatanggap ako nang text galing sa katrabaho kong si Lucy na may sahod na daw kami.

Sa wakas!!

Kinuha ko ang pitaka ko at sinigurong nandoon ang ATM ko. Paglabas ko ay naglakad ako papuntang kanto at sumakay ng jeep papuntang mall. Doon na lang ako magwiwithdraw para diretso grocery na. Ubos na kasi ang stock namin ng pagkain.

Nang makarating ako sa mall ay agad akong pumila sa BDO. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag makukuha mo na ang perang pinaghirapan mo.

Nang ako na ang nasa unahan ay lalapit na sana ako sa machine kaso biglang may sumingit na lalaki. Napataas ang kilay ko. Loko ito ah! Sumingit pa. Agad ko siyang nilapitan at kinalabit.

"Hoy!" Patuloy ako sa pagkalabit dahil hindi siya lumilingon. "Hoy kuya! Nakakahiya naman sa akin na pumila tapos sisingit ka lang? Walang bastusan oy!" Bulyaw ko sa kanya.

Aba! Ipinagpatuloy pa talaga niya ang transaction oh! Walang hiya!

Sa sobrang inis ko ay tinadyakan ko siya sa binti. Napadaing agad siya sa sakit at narinig ko ang mahina niyang mura.

"Shit!" Dahan dahan niya akong nilingon na nagpatigil sa akin.

Oh shit! Ang gwapo niya!!

"What the hell is your problem miss?!" Nabalik ako sa katinuan ng sigawan niya ako.

"Ikaw ang may problema! Bawal ang singit dito! Pumila ako tapos ikaw biglang lalabas sa kung saan? Wow ha!" Nakakadistract ang kagwapuhan ni Kuya oh!

"Babe, what's happening here?" Napatingin ako sa babaeng tumawag sa kanya.

Oh shit! Ang ganda niya!!

The Boy Next Door (COMPLETED)Where stories live. Discover now