Basic Accounting

63 2 0
                                    

"BASIC" ACCOUNTING EQUATION
A = L + OE

Assets = Liabilities + Owner's Equity
P100 = P60 + P40

"CHARACTERS" :)
a. BUSINESS = "Ikaw"
b. ASSET = Pag-aari "ng business"
c. LIABILITY = Utang "ng business" sa iba (Ex. Bank)
d. OWNER'S EQUITY = parang "Utang" "ng business" sa may-ari (owner)

#CommonMistake
Ang "Business" at ang "Owner" ay IISA..

*MALI po yan. Para maintindihan natin ang Accounting Equation (A=L+OE), ang una nating dapat isipin ay magkaiba po sila. Magkaiba ang "BUSINESS" at ang "OWNER"

#HALIMBAWA
BUSINESS(Ikaw) = Buy & Sell ng damit

~kung ikaw si BUSINESS, kailangan mo ng "pera" pambili ng damit.

#QUESTION
Saan manggagaling ang pera?

Answer:
a. Mangungutang sa iba (Ex. Bank) P60
b. Mangungutang sa may-ari or owner P40

P60 + P40 = P100
Ang pera na ngayon ni "Business" ay P100

Business:
A = P100 (Pera/Asset)
L = P60 (Utang sa Bank)
OE = P40 (Utang sa Owner)

In simple words, ang Pera ng Business na P100 (ASSET):

~ay galing sa utang sa Bank P60 (LIABILITY), at galing sa "utang" sa Owner P40 (OWNER'S EQUITY)

A = L + OE
P100 = P60 + P40

#REMINDER
~In Form, parang ISA lang ang "Business" at "Owner"
~Pero in Substance, IKAW lang si " BUSINESS" (at "parang" pinautang ka lang ng sarili mo)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"DEBIT AND CREDIT"

1. Bumili ka ng Laptop at nagbayad ka ng P50000

DEBIT: Laptop 50000
CREDIT: Cash 50000

Nagkaroon ka ng Laptop, kaya DEBIT
Nawalan ka naman ng Cash, kaya CREDIT

NOTE: (ASSET)
Pag "nagkakaroon" ka ng Asset(or bagay) = DEBIT
Pag "nawawalan" ka ng Asset (or bagay) = CREDIT

..............................................

2. Bumili ka ng Laptop pero utang, P50,000

DEBIT: Laptop 50000
CREDIT: Accounts Payable 50000

Nagkaroon ka ng Laptop, kaya DEBIT
Nagkaroon ka ng utang(Accounts Payable), kaya CREDIT

NOTE: (LIABILITY or UTANG)
Pag "nagkakaroon" ka ng utang = CREDIT
Pag "nawawalan" ka ng utang = DEBIT

#IMPORTANT
Baliktad ang ASSET at LIABILITY
(ASSET)
DEBIT: pag "nagkakaroon" ka ng Asset(or bagay)
CREDIT: pag "nawawalan" ka ng Asset (or bagay)

(LIABILITY)
CREDIT: pag "nagkakaroon" ka ng utang
DEBIT: pag "nawawalan" ka ng utang

..............................................

3. Binayaran mo na ang utang mo..

DEBIT: Accounts Payable 50000
CREDIT: Cash 50000

Nawala na ang utang mo(Accounts Payable), kaya DEBIT.
Nawalan ka din ng Cash, kaya CREDIT.

*Yehey, wala ka nang utang. :)

..............................................

4. Ginamit mo yung Laptop sa business mong Accounting Tutorial. Kumita ka ng P20,000 pero "pautang".

DEBIT Accounts Receivable 20,000
CREDIT Service Income 20,000

Nagkaroon ka ng "pautang"(Asset siya kasi makokolekta mo siya), kaya DEBIT
Nagkaroon ka din ng kita o income, kaya CREDIT.

NOTE: (INCOME or KITA)
Pag "nagkakaroon" ka ng income = CREDIT

..............................................

5. Nakolekta mo na yung pautang mo sa tinuruan mong estudyante P20,000.

DEBIT Cash 20000
CREDIT Accounts Receivable 20000

Nagkaroon ka ng Cash, kaya DEBIT
Nawalan ka ng pautang(Accounts Recevable), kaya CREDIT

...............................................

6. Nagbayad ka ng P10,000 sa inuupahan mong lugar para sa tutorial.

DEBIT Expense 10000
CREDIT Cash 10000

Nagkaroon ka ng gastos(expense), kaya DEBIT
Nawalan ka din ng cash, kaya CREDIT.

NOTE: (EXPENSE or GASTOS)
Pag "nagkakaroon" ka ng gastusin = DEBIT

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Increase in Asset
Nagkaroon ka ng asset kasi pwedeng
-nanggaling sa inutang mo
-nag invest ka ng pera/gamit sa business mo
-galing sa serbisyo mo at kumita ka

Decrease in Asset
Nawalan ka ng asset kasi pwedeng
-nagbayad ka ng utang
-binawi mo yung capital mo sa business (withdrawal)
-may mga gastusin o expenses ka sa business mo

Equity = Capital + Revenue - Expenses - Drawings(Withdrawal)

Increase in Equity
Tumaas ang Equity mo dahil mas malaki ang kita(revenue) mo kaysa sa gastos(expenses). Ang tawag dito ay "Net Income".
Pwede rin tumaas ang Equity pag nagdadagdag ka ng capital(pera o gamit) sa business mo.

Decrease in Equity
Bumaba ang Equity mo dahil mas malaki ang gastos(expenses) mo kaysa sa revenue or kita. Ang tawag dito ay "Net Loss".
Pwede rin bumaba ang Equity pag kumukuha ka ng capital(pera o gamit) sa business mo. Withdrawals.

Normal Balances:

DEBIT (DEAL)
D-ividends (Drawings)
E-xpenses
A-sset
L-osses

CREDIT (GIRLS)
G-ains
I-ncome
R-evenues
L-iabilities
S-tockholder's (or Owner's) Equity

#TheAccountant

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 10, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Basic AccountingWhere stories live. Discover now