Kabanata 2

5K 119 14
                                    


"Buwiset ! Aggghhhh!" Sigaw ng dalaga ng tuluyan nyang maibaba sa hagdan ang sofa na kanina nya pa hinahatak . Nakasuot sya ng face mask at gloves at halata sa mukha nya ang pagkairita .

Pabagsak pa nya itong itinulak sa tabi ng basurahan kung saan tambak ang isang damakmak na basura sa kanilang lugar

"Punyatera ! Ang bigat naman pala nito !" Buntong hininga nya bago ipinagpag ang kanyang mga kamay

"Oh Chandria ! Okay pa yang couch mo ah ?sayang naman akin nalang " wika ni Matmat na nakatira sa boarding house sa tapat ng apartment na tinitiran nya .

"Nako kuya matmat ! Makakakuha ka lang ng kung ano anong sakit pag kinuha mo to " natawa lang ang binata

Pinagpag nya uli ang kanyang kamay bago itinangal ang gloves na suot nya at itinapon din sa basurahan ..
Pinagmasdan nya uli ang lumang couch .

Kaya pala ang bilis maluma . Nimal talaga yung gagong yun ..

Napailing sya .

Hindi ko na dapat iniisip ang kumag na yun manigas sya kasama ng junjun nyang mukang kamias ! Pwe !

Naglakad sya pa punta sa tindahan sa gilid .

"Ang ganda ng umaga ko ngayun ah kasi nandito ka na "

"Wow ganda mo naman ngayun chanria .."

"Mukang ngayun ka lang ata namin nakita uli chandria "

Sunod sunod na bati ng mga kapitbahay ko na mahilig tumambay kala aleng Seny .

"Haay .. ang aga aga nasira araw ko makaalis na nga peste!" Inis na wika nya kaya napakamot ang tatlo sa kanilang ulo .

"Grabe ka naman chandria marunong lang kameng maka apreciate ng maganda .. lalong lalo na pag sa umaga ..diba tol?" Wika ni Max kaya nagtanguan ang dalawang kasama nya .

"Oo nga .. saka namiss ka lang namin chanchan" pa cute naman nung isa .

Pilit na ngumiti si chandria sa tatlo at napatingin ito sa diaryo na hawak nung isa .

"Hmm binabasa mo ba yan ?" Tanong nito at umiling yung lalake .

"Pwedeng akin nalang?"

"Oo naman chan chan ...ikaw pa ba ?" Masayang wika nito at inabot ang diaryo kay chandria .

Inikot ito ang diaryo "ah.. so maganda ang araw nyo diba?" Ngisi ni chandria kaya malapat ang ngiti ng tatlo na tumango sa kanya .

"Ahh.. maganda pala ah ..." itinaas nya ang kanyang kamay na may hawak na diaryo at pinaghahampas ang ulo ng tatlo

"Aray aray !"

"Maganda pala ah ! Sige sirain natin ! Ano ! Ha?!" Inis na wika nya hinampas hampas uli ang tatlo at halos dumikit ang diaryo sa mga balat nila dahil wala silang mga pangitaas na damit .

"Aray tama na tama na ..sakit !"

"Ouch ui !!"

Sinasalag nila bawat hampas ko sa kanila .
Kahit kelan talaga tong mga manyak na to nakakagigil ! Masama na nga ang gising ko dadagdagan pa nilang mga kumag sila

"Mga pesteng to ! Maghanap nga kayo ng trabaho hindi yung tambay kayo ng tambay mga kingina nyo ! "

"Grabe ka naman chandria ... ang init ng ulo mo .. "

"Sige na aalis na kame .. ..pero pag nakahanap na ba kame ng trabaho sasagutin mo na ang isa saamin ?" Tanong nung isa at itinaas baba ang kanyang kilay .

"Oo nga .. ganyan pa naman yung mga tipo ko .. yung hard to get at masungit .. magaling daw kasi pag ganun --"

Hinampas uli sila ni Chandria ."at hindi talaga kayo titigil .. !!"

Ang Huling El BimboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon