"The only time you have too much fuel is when you are on fire." - Helicopter Pilot Wisdom.
Entry #10;
Kasinungalingan...
Bago pa natin simulan ang entry na 'to at magkaroon ng maraming chika, i have a question.
Why do you have to say something that is not true even though its for the best?
Bakit mo kailangang magsinungaling?
Nakakatakot?
Nakakaduwag?
Nakakakaba?
Nakakaguilty?
Alam niyo, para hindi niyo maramdaman 'yang apat na 'yan, wag na wag kang magsisinungaling.
Kasi sa tuwing magsisinungaling ka dahil sa kung ano mang ginawa mo, ay aba! Talagang mararamdaman mo 'yan.
Masama ka na talaga kapag hindi ka pa dinalaw ng konsensya mo.
Hindi ko sinasabing maging santo ka all the time. Wala akong sinasabing magsabi ka ng totoo kahit na nakakasakit ka na.
Im just saying that, when your eyes saw the truth behind those lies say it. Say it with some dignity.
Hindi naman porket nagsinungaling ka eh makakaligtas ka na sa ginawa mong kasalanan? Sorry pero hindi.
Sabihin na nating para naman 'yan sa ikakabuti mo o sa iba, but the truth is masama pa rin.
Bakit ko ba pinagpipilitan 'to na masama ang magsinungaling kahit na minsan eh nakakatulong rin naman?
Mga ate at mga kuya talagang masama eh.
Bakit?
Nanloloko ka ng iba eh.
Pinapaniwala mo sila sa isang kasinungalingan.
Nakaligtas ka at tinulungan ka ng kasinungalingan mo.
Confident kang magsalita ng hindi naman totoo para ano?
Para hindi ka mapagalitan?
Para hindi ka mapagiwanan?
Para magmukha kang santo?
Para magmukha kang mabait?
Para magmukha kang si honesto?
Para hindi ka paginitan?
Prangka na kung prangka pero mas mabuti ng ganun. Kaysa naman ang magparinig ka ng magparinig eh papano pala kapag iba ang nakarinig? Edi mas nagmukha ka pang masama, kasi pinaparinggan mo lang yung taong dapat sakanya talaga nakatama?
Guys listen.
Alam ko na hindi perpekto ang tao kaya tayo nakakagawa ng mga bagay na hindi maganda sa paningin natin maging sa iba. Alam ko na nakakagawa tayo ng isang kasalanan, malaki man o maliit. Alam kong hindi sa lahat ng oras masasabi natin ang katotohanan.
But if you are thinking what are the effects you might get if your still doing this? It will help you change your mind.
Kapag naisip mo ang magiging epekto ng mga pinaggagagawa mo, baka sakaling magbago ka at magiging totoo sa lahat.
Alam kong hindi natin mapipilan ang hindi magsinungaling pero di ba, kapag kakatapos mo lang magsinungaling hinuhubog ka ng konsensya mo at tinutulak ka nito palapit sa isang katotohanang alam mo naman talagang totoo?
Thats the case why do we need to stop pretending something that is true even though its not.
Kapag kasi dinadalaw ka ng konsensya mo posibleng kung ano-anong bagay ang maisip mo sa sarili mo maging sa ginawa mo.
"Ay hala nagsinungaling ako!"
"Sama ko na bang tao?"
"Putek! Tama ba 'tong sinabi ko?"
"Nakakakonsensya tuloy."
"Sana pala sinabi ko nalang ang totoo."
At ano sa huli magsisisi ka dahil sa ginawa mo?
Meron nga tayong kasabihan di ba? Walang sikretong hindi nabubunyag.
Minsan nga malalaman mo pa sa isang tao kung nagsisinungaling ba 'to kapag malilikot ang mga mata niya. O kaya naman balisa at hindi mapakali. Minsan nga pinagpapawisan pa.
Meron tayong iba't ibang case ng kasinungalingan na maaari namang makapagpabuti. White Lie in short.
At meron din namang kasinungalingang maaaring magdulot satin sa kapahamakan o sa kasamaan. Black lie in short.
Seryoso may black lie? Echos wala!
Sa buhay natin, ni minsan hindi natin maitatangging nagsinungaling tayo. Yeah i admit, nagawa ko na rin 'yan.
Eh yun naman pala ba't kanina makasabi kang masama ang magsinungaling eh ginawa mo rin pala?
As i said a second ago, hindi natin maitatangging hindi tayo nakapagsinungaling sa buhay natin. Pero hindi ibig sabihin nun na kapag nagsinungaling ka eh aaraw-arawin mo na?
Aba mga beks ibang usapan na yan! Sobra ka naman na ata! Oo nga nagsinungaling ka bakit hindi mo ba kayang magbago? Hindi mo kayang itama 'yang naging kasalanan mo? Hindi mo ba kayang panagutan 'yang mga sinabi mo? Hindi? Ha?
Oo naging sinungaling tayo. Para sa iba masama 'yan. Oo hindi natin nasabi ang totoo pero sa iba sobrang sama mo na. Oo naloko mo sila at nagsinungaling ka at para sa iba makasalanan ka.
Hindi naman natin sila masisisi eh, dahil in the first place ginawa mo rin 'yan. At isa pa, kung ano lang naman ang narinig at nakita nila 'yon lang ang paniniwalaan nila.
Dont judge people for the choices they make when you dont even know the options they had to choose from.
Nagawa mo 'yan dahil wala ka ng choice.
Pero kung sa tingin mo naman na pipiliin mo ang mas mahirap at alinlangang choice, why dont you choose it? Even though its in the truth side?
Mas maganda ng napagalitan ka ng magulang dahil nagsabi ka ng totoo.
Mas maganda ng naibagsak ka ng teacher or prof mo dahil nagsabi ka ng totoo.
Mas maganda ng iniwan ka dahil sinabi mo lang naman ang totoo.
Mas maganda ng nasermunan ka atlease you've said the truth.
At mas maganda ng nagsasabi ka ng totoo ng wala kang nalolokong ibang tao.
Let's just accept what God has given us. Hindi naman natin ikagaganda 'yan kung ipagpipilitan mo pa di ba?
A/N; Spread the love. Not the lies for the ones whom you love. ;)
YOU ARE READING
Can I Have An Advice? [On Going]
PoetryThis story belong to those people who doesn't actually know what to do about their lovelife, family problems, kaibigan problems etc. Kung hindi mo alam ang mga gagawin mo sa problemang kinahaharap mo ngayon, pwes basahin mo to! I think it will help...