Chapter XI

2.2K 69 0
                                    

Hindi niya pa nasasabi sakin kung bakit ganun nalang ang inis nila,
Kung bakit parang ang sama ko.

Dahil sa pagdating ng matandang babae, ay ang Principal pala.

Nung una di ko inaakalang principal. Pero

*Flashback*

"anong pinag-uusapan nyo? Hindi ba't tapos na ang recess?!"

Pagalit na sambit ng matanda.
Bumulong ako,

Sino bato? Bakit ganto nalang magalit? Anong pake niya? Hays.

"Siya lang naman ang principal natin,"

Sagot ni Reija, Nagmadali agad siyang bumalik at iniwan ako . As usual sanay naman ako.

"Ikaw? Ms.Fuentes? Am I right?! Bakit di kapa bumalik sa room?"

Nang nalaman ko na principal siya, Sinunod ko nalang at agad akong bumalik sa room.

*End of Flashback*

Pero naalala ko padin ang sinabi sakin ni Reija, alam kaya nila? Teka bakit ganun? Kung pumapatay sila bakit kailangan pang isulat ang pangalan ng transferee sa registrar form? Teka ang gulo! Sabi kasi layunin nilang makatulong.

Makatulong o Pumatay? Naguguluhan nako ah! Di ako matatahimik neto eh. Feeling ko tuloy gusto ko nang umuwi.

Sa sobrang pag iisip ko di ko aakalain na kanina pa pala may bagong prof at nakangiti siya sakin.

Kanina pa pala siya nakangiti habang tinatawag ang apelyido ko.

"P-po?"

"Kanina pa kita tinatawag"

"S-sorry po"

"Kung may gumugulo sa isip mo sa pagpasok sa paaralang ito, Wag mo silang isipin. Wag mo silang pakinggan"

"P-p- Opo"

Ngumiti nalang ulit siya sa akin at nagturo na.

Pero hindi ko alam, hindi ko kaya makinig ng ganto.
Ng may gumugulo sa isip ko.

"Miss are you okay?"

Bulong ng lumapit sa akin.

Mukha bakong okay sa lagay nato? Bulong ko nalang sa isip ko.

Di ko pinansin ang nagsalita sa tabi ko, alam ko namang wala ding masasabing maganda yun. Tatakutin lang ako. Nakakainsulto sila. Feeling ko ayoko na mag aral dito, magba back out nako!

THE HAUNTED ACADEMY (COMPLETED)Where stories live. Discover now