Chapter I

588 17 2
                                    

Chapter I

Asan na ko?

ANONG LUGAR 'TO?

Sino 'tong mga 'to..

"asan ho ako?" tanong ko sa isang matandang babaeng may nunal sa left na pisngi. May kamukha sya eh kaso di ko maalala.. Tas bigla syang kinuha.. Kinain ng isang mukang demonyo..

Nasa impyerno ba ko?!

Anong ginagawa ko dito?!

Waaaaaaaaah!

Blag..

"araaaay!" ang sakit.. panaginip lang pala.. Akala ko totoo na. Ang weird naman..

"Kuya!" ayyy Natalie.. aga aga..

"Teka lang.." binuksan ko ung pinto

"Bakit?: tanong ko

"hmm.. punta ka raw mamaya sa resto natin, sa may * mall..May iaabot sayo dun.."

"ano?"

"basta"

"asan na ba sila mommy at daddy?"

"wala, umalis na sila..remember may flight sila ngayon papuntang NY.. Tskk.. Napaniginipan mo nanaman siguro ung babae noh? kaya ang himbing ng tulog mo"

"ewan ko sayo Natalie!" sabay batok sa kanya..

"Aray kuya!"

"Aray ka dyan.. pasok na! Late ka na!"

"okie Kuya.. Bye.. Ingat"

"sige ingat.."

Ito.. Nagbi'bike ako papunta sa resto namin sa * mall branch.. Ano kaya ibibigay sa akin doon.. Ang sarap ng hangin.. Sa Long way kasi ako dumaan kaya di polluted..

"GoodMorning Sir Hubert.." bati sa akin nung guard

"Good Morning din po" bati ko rin..

Slow mo..

Teka I know her..

She just past by...

I turned around..

"Miss!" Hinabol ko sya..

"Yes?" 

"Ano name mo?"

"Excuse me? Why do I need to tell you? I don't even know you.." tapos umalis sya.. Syempre hinabol ko sya ulit..

"Miss!"

"What?!"

"sorry"

"fine.." tas sumakay na sya sa car nya.. Ang sungit nya naman sa personal.. Bakit sa panaginip ko.. Ayy nevermind..Bumalik nalang ako sa resto namin

"Sir, NaLove at first sight ka ata ah.."

"hahaha, mukha kasi syang familiar e.. Nagkamali lang pala ako.." Alangan sabihin ko na kilala ko sya.. Kilala ko sya sa mukha at sa dreamland ko pa nakilala.. (Baduy dreamland)

"alam nyo po Sir madalas yan dito.. Lagi syang umuupo dun sa table dun sa dulo.. Parang laging may hinihitay pero wala namang dumadating.." Teka, dulong table? sa panaginip ko.. Dyan kami madalas kumakain., Dyan kami naghihintayan.. Ang weird talaga

"ahhh salamat ha?"

"your welcome Sir" buti pa tong si Manong guard madaming alam.. Madalas pala sya dito.. Edi dadalasan ko rin..

"Goodmorning" bungad ko dun sa cashier..

"Ayyyy Go-go-good Mo-mo-morning Sir"

"ganyan ka ba talaga magsa-sa-salita?" biro ko..

"hindi po Sir * ang gwapo nyo kasi" Jusko. Binulong pa rinig na rinig naman

"Ay nasan si Manager Bong?"

"Nasa Back office po.."

"ah thanks" ^___^ para kiligin... So pinuntahan ko na si Manager Bong

"GoodMorning po Sir.."

"Good Morning din po.. Ano po ba yung pinabibigay nila Mom?"

"Ay sir ito ho.." Inabot nya sa akin yung uniform..

"Ano 'to?"

"ah eh Sir.. Sabi po kasi ng Daddy nyo.. Magwo'work ho kayo dito until dumating parents mo..."

"ANO?!"

"kasi po tambay lang kayo sa bahay nyo.. Wala naman daw kayong maitutulong sa office kaya dito ka nya binato"

"si daddy talaga!"

"para din daw may alam na rin kayo sa actual.. Makakatulong po daw 'to pagdating ng panahon na kayo na po ung CEO"

"Daming alam ni Dad.. So kailan ako magsisimula?" 

"Bukas.. Pero ngayon tra'train ko muna kayo..Hubert.."

"Okay po Sir.."

"Walang personalan Hubert ha? trabaho lang"

"Yes Sir!"

WHAT IF (Take Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon