Chapter Ten

3K 26 0
                                    

Nagging Wife

Ilang ulit na nagpabalik balik si Jake sa apartment ko pero hindi ko pinagbubuksan. Hindi dahil sa ayaw kong magkahiwalay sila ng asawa niya, ayaw ko na sa kanya.

Kaya imbes na maaga akong umuuwi at magbibihis ay hindi na ako nagpapalit ng damit. Deritso na sa bar kung saan ko gustong uminom. Ayaw kong magkausap ulit kami.

Dahil minsang naabutan niya ako sa apartment ay nagmakaawa siyang maging kami. Nagsilabasan ang mga tao sa katabi kong kwarto dahil sa ingay niya sa labas. Napilitan akong sumama sa kanya.

Ilang linggo na rin ang nakakalipas ng mangyari iyon. Nakakairita na ang pambubulabog niya, buti na lang hindi niya naisipang kunin ang number ko noon.

Umiinom akong mag isa ng may lumapit sa akin. Akala ko kung sino lang pero si Jake pala.

"What are you doing here?" Nagulat kong tanong sa kanya. Parang hindi na siya ang Jake na kilala ko. Magulo ang buhok at gusot gusot ang polo.

"Ilang araw na akong naghihintay sa labas ng apartment mo. You told me mag uusap tayo pero iniiwasan mo ako. Ano bang problema Gwen? Sabi ko naman sayo na hihiwalayan ko siya para sayo!"

"Hindi ko sinabing hiwalayan mo ang asawa mo."

"But I'm doing it for you."

"Then don't! What happened that night was nothing. We both want it. It's just a one night stand."

"I still love you. Sinabi ko na yan sayo, I'm willing to marry you once my annulment is done. Please!"

"I said no Jake! Go back to your wife Jake." Iniwan ko siya doon at umalis na sa bar na iyon. Buti na lang at hindi na siya sumunod sa akin.

Dumiritso na ako sa apartment. Napaaga ang uwi ko dahil sa pagdating ni Jake. Hindi na ako lumipat ng bar dahil nawalan na ako ng gana.

Kinaumagahan at maaga akong nagising dahil napaaga ang tulog ko kagabi. Naiinis din ako kay Jake dahil sinira niya ang gabi ko.

Naghahanap ako kagabi ng pwedi kong kalaro pero dahil nandoon si Jake ay umuwi na lang ako.

Masama pa rin ang mood ko ng pumasok ako. Binati ako ng guard pero hindi pa rin ako kumibo. Pag upo ko pa sa mesa ko ay biglang nagpatawag si TL ng meeting. Naiinis akong tumayo at pumunta sa conference room.

Pinagalitan kami dahil sa baba ng sales namin. Hindi raw kami umabot sa kota ngayong buwan.

Nag excuse ako para pumunta ng banyo. Nakakainip na sa loob at nakakairita ng pakinggan si TL. Bumalik ako sa desk ko at kinuha ang instant coffee sa tabi ng monitor ko. Pumasok ako sa cafeteria at tinimpla iyon.

Pwedi akong lumabas sa meeting na iyon. Simula ng matanggap ako sa kompanyang to ay ako ang may pinakamataas na closed account. Laging lagpas sa kota per day ang nasasara kong account. Mahigit dalawang taon na rin ako sa kompanyang to. Noong nakaraang buwan ay napromote na sana ako pero hindi ko tinanggap. Mas mataas ang position, mas maraming trabaho. Okey na ako sa trabaho at sahud ko.

Natapos ang meeting at nagsibalik na ang mga kasama ko hindi ko pa man nakakalahati ang kape ko.

Tumunog na ang bell na hudyat na bubuksan na lahat ng computer. Nagsimulang umingay ulit ang opisina nang dumagsa na ang tawag na dumarating.

Natapos ang maghapon ko ng normal. Pagod sa kakadaldal at kumimbinse sa mga customer na bumili ng aming product.

Nagliligpit na ako ng mga gamit ko ng tinawag ako ng guard. May babae daw na naghahanap sa akin sa labas. Pinaghintay ko na total naman ay pauwi na ako.

Matapos kong magligpit at kunting retouch ay lumabas na ako. Nakita ko ang babae na nakatayo malapit sa pintuan. Kausap ang guard.

Lumapit ako at nakita naman ako ng guard kaya itinuro niya ako sa kausap niya. Humarap sa akin ang babae. Noong una ay hindi ko siya makilala pero alam kong familiar sa akin ang mukha niya.

"Hi Gweneath. I'm Queeny remember, classmate tayo noon."

Kaya pala familiar sa akin ang mukha niya. Nakipag beso ako at inaya siyang lumabas sa building. Pumasok kami sa Starbucks saka umorder ng kape. Habang hinihintay ang order namin ay bigla siyang nagsalita.

"Didiretsahin na kita. I'm not here to catch up with you. I'm here because of Jake."

"What about him?"

"I know your seeing each other. He's married to me."

"So? Is that why you're here because nakikipaghiwalay siya sayo. I heard you just got married 3 months ago."

"He's a married man. There's a lot of guy out there na walang sabit. I'm talking to you because I'm pregnant."

"So? What do you want me to do?"

"Stay away from him. Huwag ka ng makipagkita sa kanya. I'm willing to forgive him for the sake of our baby."

"I will do whatever I want to do. And it's not my fault, siyang ang lumalapit. He wants an annulment to you."

"That's why I'm asking you to stay away from him."

"Why did you marry him?" Napayuko siya sa tanong ko. Dumating ang kapeng inorder namin. Pag alis ng waiter ay tumingin siya sa akin, umiiyak.

"Because I thought, I would be enough for him. While he was looking for you, I was there, waiting patiently na mapansin niya. Akala ko ng magtapat siya sa akin ay sumuko na siya at kinalimutan kana niya. But you showed up and everything messed up."

"So you settled to be a choice. You shouldn't be talking to me, dapat sa kaya ka makipag usap."

"Pag itinuloy mo ang relasyon niyo, then you'll be a kerida. And I'll make sure na hindi maaaprobahan ang annulment papers na ipapasa niya."

"Be it. I don't care at all."

"I won't let go of what's really mine."

Tumayo ako at kumuha ng iilang piraso ng perang papel. Ipinatong sa mesa bago nagsalita. "Sayo nga ba?" Saka naglakad paalis.

Iniwan ko siyang nakatulala sa loob..

Playmate (SPG)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora