CHAPTER 2: You Don't Know Me

3 0 0
                                    


"So this is your library?" I asked him. He just nodded. Its very unusual for me. Kase kahit alam kong kahapon lang kami nagkakilala. Halatang maingay at bukas ang personalidad niya sa lahat.

Pero ngayon? Simula nang pumasok ako sa library niya parang tinapakan o pinasok ko ang isang parte nang buhay niya na hindi dapat.

Kaya kahit nais kong makita pa ang kabuuan ng aklatan niya ay nilapitan ko na siya.

"Maybe I can check this out some other time." Napatingin siya sakin ng seryoso.

"Bakit hindi pa ngayon? Hindi na kita papasukin sa susunod." Anito sa kin.

Umiling ako at pinanatili ang blangkong ekspresyon sa mukha ko.

"Trust me. Makakapasok uli ako dito. Lets go. May tatapusin pa kase akong novel at baka pag nakakita ako nang mas magandang plot ng story dito ay hindi ko na iyon matapos." Tinapik ko lang ang balikat niya tsaka niyaya na siya lumabas ng tuluyan.

"SO yun Gab. Like omg talaga. Napakalaking hitad ng katiwala nina Tobias sa garden nila. Tarayan ba naman ako insan. Grabehan na. Pero syempre papatalo ba naman ako blah blah blah" As usual. Dumadaldal na naman ang pinsan ko and guess what this time iniisip niya na nilalandi nung babaeng katiwala si KUYA Toby.

"Wala ka bang reaksyon man lang Gab?" I shrugged my head off.

I'm too lazy to talk and to speak nonsense.

"Napaka boring talaga nang buhay mo grabe na. By the way, enough with those bad memories and bad things. I'm going with Tita Mercy mamaya sa church. Mag ba bible study sila. Wanna come?" I nodded. Napaka plain ko diba?

After ng bible study ay nakikipag usap na si Tita Mercy sa mga missionaries ng church na iyon pinapakilala niya si Tria sa mga ito. Samantalang ako ay bago pa maipakilala ay nagpaalam na na pupunta sa comfort room.

Its not that I dont want them to know me. Baka lang kase ma hassle si Tria na pati ako ay nakikiagaw sa atensyon ni Tita Mercy. Well hindi sa attention seeker si Tria. I just want to give her the privacy (with her future mother in law) that she wants.

Habang naglalakad palayo kay na Tria ay nakasalubong ko sina Heze at yung mga kaibigan niyang kasama niya sa bahay nuon. Nagtama ang paningin namin. pagkatapos ng nangyari kanina sa library niya ay hindi na kami nagkita sa bahay.

"Heze diba siya yung bisita niyo? Pakilala mo naman kami." Tututol na sana ko pero nakapagsalita na si Heze.

"Aish. Bakit kailangan niyo pa siya makilala? Mga gago talaga kayo." So back to being the jolly na nakakainis na naman siya?

"Aba pare. Be hospitable. Baka hindi na bumalik ng San Inocencio yan." Ani nung isa na naka side bangs na chinito.

"Oo nga naman pare." Hindi naman sila mga mukhang manyak. So should I consider?

"Sige na sige na. Oy rakistang tomboy. Ito na ang mga kaibigan ko." Ano daw? Rakistang tomboy?

"Yun lang yun pre?" Ani nung medyo chubby pero cute na lalaki.

"Ano pa bang gusto niyo marinig?" Kating kati na ang mga paa ko umalis pero PAANO? Eh ang laki nilang harang sa daraanan ko. At ayoko maging bastos.

"Formal naman pre." Nakita ko ang pagkainis sa mata ni Heze.

"Andami niyong arte. Psh. Oy Gab ito sina Wreck, Olivion, Prick at yung babaeng kamukha mo si Fiona na asawa ni Shrek." Nakita ko naman sinuntok nung katulad ko lang umayos at manamit pero mas maganda siya.

"Hello astig ng name mo. Gab."

"Salamat sige kailangan ko nang umalis. " with blank face. I dont want to make friends while I'm here just waste of time. Sooner or later they will leave.

"Gab. Where did you go?" Tanong sakin ni Tria. Wow ha? Ang paranoid naman niya.

"Sa bookstore lang." and then umupo na ako.

And there I found myself realizing how boring my life is.

Teka bakit ngayon ko lang to naisip sa buong buhay ko.

Second day ko na dito. Gabi at bumaba ako sa kusina para kumuha nang tubig ng biglang may narinig akong kumalabog.

"Who are you?" I asked ng wala man lang pinapakitang takot sa mukha.

"Bulaga!" Someone suddenly show up. But it didnt scare me a bit. Nakatayo lang ako na para bang wala akong pake na lumabas man lang siya sa kahit na anong sulok ng bahay na ito.

"Ang killjoy mo naman RT." Nangunot ang noo ko.

"RT?" I asked. "RAKISTANG TOMBOY." Hindi na lang ako umimik.

Tinalikuran ko siya tsaka ako kumuha nang tubig pero hindi pa rin siya tapos.

Nakipag agawan siya sakin.

"Ano bang problema mo?" Blanko kong tanong sa kanya.

"Gusto kong uminom ng tubig. Masama ba yun?" Nakakainis na siya ha?

"masama kase nauna na ko." Ani ko.

"Kanino ba to?" Matapang nitong sagot.

"Sa magulang mo." Walang ekspresyon ang mukha ko. Parang lagi naman.

Nakuha ko naman iyon sa kanya.

"You know what why dont you give yourself something to enjoy at? Why dont you give yourself a favor?" Anito.

"You dont know me." Sagot ko sa kanya. Hindi ko papayagan na muli akong masira dahil lang sa ibang tao.

"Maybe yes. I really dont know you. Pero nasabi mo na ba sa sarili mo na minsan ka lang mabuhay? Teka. Nakangiti ka na ba miski isang beses? Nakatawa ka na ba yung hanggang mata? Nakapag enjoy ka na ba na parang walang katapusan? Kase kung hindi. Nakakaawa ka naman. Nakakaawa ka naman para sa isang tao na maaring mabuhay ng matagal." Tsaka ito umalis.

Napaisip ako nang malalim. Nasasabi lang niya yun kase hindi niya ko kilala. Hindi niya alam kung gaano kasakit mabuhay mag isa. Hindi niya alam yung pakiramdam ng na abandona sa murang edad.

Pero bakit parang sa pagkakataon na ito nais kong subukan? Nais kong subukan na muling sumaya? Kahit na meron ako isugal.

-----
AN: So hi pedeng dumaldal muna? Hihi.

So medyo magulo yung biglang pagbabago nang scenes. So hindi po siya magkakadugtong. May mga parts na nag iiba na nang scene or lugar. Hindi ko na lang pinuputol kase wala lang para ASTIG. Pasensya na. Pero if ma eedit ko siya. I eedit ko po. Salamat po sa mga nagbabasa at magbabasa. Please leave a comment. ❤💬

Dont be shy. Approach niyo naman po ako. Huhu. Labya. God bless you guys and always remember that God loves you no matter what hihi 👏🙌😘😍

-iskalaber ❤👣

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 21, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AmaranthWhere stories live. Discover now