Chapter 4.

22 4 9
                                        


SPG ahead.
Read at your own risk.

As soon as I'm approaching the open field, para bang tumatalon din ang puso ko tulad ng pagtalon na ginagawa ng mga kabayo. I so love horses! The anticipation of riding one is taking over my system!

Lumapit ako sa isang lalake na may hawak ng isang kabayong puti. Sa tingin ko ay mas matanda sa akin 'to ng mga lima hanggang anim na taon.

Pinakiramdaman ko ang kabayo at mabilis itong nag react sa presensya ko na siyang labis na ikinatuwa ko.

I think this horse likes me. Masayang sabi ko pa sa 'king isip. I can't help but to smile at the reaction of the horse. The way he glides his face on me is too much for my system. This is what heaven is for me.

"Ma'am, mukhang gusto ka nitong ni Season."

I looked at the man and smiled at him. Mukhang pati siya ay naramdaman na gusto ako ng kabayong hawak niya.

"Sir, can I ride this horse?"

Kung anong saya niya kaninang mag-salita ay siya naman ngayon na pagkailang niya. He even looked away while scratching his nape. He's biting his lips in a manly way and I can't help but to raise brows at him. 

"Whats the matter?" Naguguluhang tanong ko rito.  The man looked at me in the eyes and bowed his head awkwardly, "M-ma'am?"

"Can I ride Season?" Ulit ko pa sa tanong ko.

"S-sorry ma'am. But these horses are for training jumping running. No people is okay to ride."

I blinked fast at what he just said. Nanlalaki ang mga mata ko and when he realized my reaction he awkwardly laugh at me.

"B-but you can g-go to the house of the horses ober there and get one there, t-they are good to ride." Nahihiyang sabi pa nito.

Good thing I got his point. And because he's handling the horses too well, I should be nice to him.

"Ikaw ba ang nag-aalaga lahat ng kabayo dito?" Simpleng tanong ko pero mabilis siyang nag-angat ng tingin. "Anong pangalan mo?"

"Talaga 'to si Ma'am. Marunong pala magtagalog napa-ingles pa ako. Pakiramdam ko tuloy ay dudugo na ang ilong ko. Tatlo po kaming taga-alaga ng mga kabayo ng Pamilya Rimas. Ako po si Bentong. Ayong lalake na may hawak kay Ginger na brown na kabayo ay si Macoy." Natatawang aniya.

"Ayos lang 'yon, sir. Maayos naman ang sabi mo. Naintindihan ko naman. Aling stable doon ang pupuntahan ko? I really want to ride right now." Nakangiting sabi ko rito trying to raise his confidence.

"Doon ma'am," he pointed the nearest stable, "piliin niyo yung may kulay itim na pinto, lahat ng kabayo doon ay pwedeng sakyan. Andoon ho si Shakil at siya ang mag-aasikaso sa inyo." Masayang aniya.

Back And ForthМесто, где живут истории. Откройте их для себя