CHAPTER 6

4.7K 70 0
                                    

I texted Kelly na makipagkita sakin ngayon dito sa coffee shop. Napag isip isip ko kasi na hindi pwedeng sa bahay lang ako. Kaya  susubukan kong mag apply sa kumpanya nila Kelly or in any restaurants they have, kahit ano lang basta may mapasukan ako.

"Oh beshy! Bakit ka nakipagkita sakin? May nangyari na naman bang hindi maganda? Ano kailangan mo ng back up?" bungad niya agad sakin, ibang klase talaga tong best friend ko na to.

"Masama bang mamiss ang besfriend ko?" nakangiting turan ko sakanya.

"Asus namiss din naman kita eh" natatawang sagot nito.

"By the way bes may gusto sana talaga akong sabihin sayo"

"Hmm spill it"

"Ahm itatanong ko sana kung pwedeng mag apply ng trabaho sa company niyo or sa kahit na anong restaurants na meron kayo. I needed to work" para nang sa ganon mabawasan yung sakit na nararamdaman ko tuwing nasa bahay ako. Siguradong magwawala ito kapag nalaman niya ang nangyari kahapon.

"Really? Well, good to hear that kasi naghahanap talaga kami ng taga luto sa isang famous restaurant nina daddy, if it is okay to you ikaw nalang ang kunin ko besides alam na alam ko kung ano ang mga kaya mong gawin lalo na pagdating sa pagluluto"

"Really!? Pwedeng pwede ako" nakangiting sagot ko sakanya.

"I'm sure na mas maraming darayo na mga taga ibang bansa oras na matikman nila ang luto mo" exaggerated na sabi niya kaya napatawa nalang ako..

"I don't think so"

"Pa humble, I know you a lot" nakangiting sabi nito.

"May halong pawis kasi pag nagluluto  ako kaya masarap ang pagkakaluto hahaha"

"Yuck! Kadiri hahaha! But you sure na doon kana magtatrabaho?" Naniniguradong tanong nito sakin.

"Yup"

"How about sa kumpanya ng asawa mo? Sinubukan mo na bang mag apply?"

Napatungo ako at hindi agad nakasagot sa tanong nito. Hindi niya pwedeng malaman kung ano ang nangyari doon. Daig pa ako nito kapag nagalit, baka bigla niyang pasabugin ang kumpanya ng mga Evans. But of course she can't do that, advance lang talaga akong mag isip.

"Hmm actually no, siguro mas mabuti narin yon para may sarili akong trabaho" pilit na ngiti ang iginawad ko sa harap niya.

"Okay, but I'm still happy dahil makakasama na kita sa trabaho"

"Me too! So kailan pala ako mag uumpisa?" I excitedly asked.

"Tomorrow" masaya namang sagot nito.

"What? Bukas agad?" gulat na tanong ko, akala ko mga next week pa.

Well, sabagay ano ko nga ba tong kausap ko?

"Yup pero ililibot muna kita sa restaurant para mafamiliarize ka sa buong lugar"

"Okay noted"

I just need to prepare, maybe for the meantime makalimutan ko yung problema samin ni Clint. Mabuti na yung may napaglilibangan ako kaysa magmukmok palagi sa bahay.

"So san tayo ngayon?" tanong ko sa kanya, magpapalibri kasi ako.

"Where do you want to go?" balik tanong niya naman sakin.

"Hmmm how about sa mall tayo?" ngiting ngiting sagot ko sa tanong niya.

"Sure!"

Agad din kaming nakarating sa mall at ngayon ay balak naming pumunta sa department store para bumili ng mga kailangan niya.

VENGEFUL SOULS (Completed✔)Where stories live. Discover now