CHAPTER 22: Youth Summit 6 (part 1)

2.4K 47 13
                                    

CHAPTER 22: Youth Summit 6 (Part 1)

Adrian POV

“San nga kasi kayo galing kagabi?” Tanong ko dahil mukhang may ginawa sila nang hindi ako kasama.

“Lumabas nga lang kami para magpahangin, ang kulit mo ah.” Sagot ni Alena habang nagsusuklay.

“Liars go to hell.” Tiningnan ko sila nang masama.

“E ‘di mauuna ka samen.” Sagot naman ni Alena.

“Talaga lang ahh? Kayo mag-kasama? Nagpahangin kayong dalawa?” Sunod-sunod na tanong.

“Ewan ko sayo.” Tugon ni Alena.

“Ehh, kung mag-compete kayo sa school kala mo nanonod ka ng live na Leonidas vs. Xerxes, tapos magkasama kayong nagpahangin kagabi? Lokohin niyo lelang niyo.” Pangungulit ko. Sinong niloko nitong mga ‘to.

“Sobra ka naman Mr. Valderama… kung nagco-compete man kami ni Alena, fair and square kami lumaban.” Sagot naman ni Pam.

“Oo nga. Sobra ka Drian ah!” Sagot naman ni Alena.

“Eh, kasi naman hindi kayo nagsasabi nang totoo.”

“Bahala ka dyan, Alena.” Sagot ni Pam sabay tayo at naglakad palabas ng pinto. Saktong pag-bukas nito ay may tao sa labas.

“Pinapupunta po ang lahat ng representative sa great hall. ASAP.”

“Sige po, susunod na kami.” Sagot ni Pam. Lumingon ito sa amin. “Ano? Magpapatalo ba tayo sa mga mayayaman na ‘yon?” Alam ko words of encouragement ‘yon ni Pam. At sa tingin ko mas lalo kaming nabuhayan dahil sa sinabi niya. Kung pinag-iinitan man kami wala na kaming pakelam ‘don. Basta gagawin namin ang lahat n gaming makakaya para sa finals.

“Uhm! Ako na na kilalang Math wizard? Magpapatalo? Di ‘ata! Ikaw Ms. Cold-blooded Genius, may balak?” Mayabang na sagot ko. Pangdagdag confidence lang ba.

“Kung hindi magpapatalo si Mr. Mard Wizard hindi rin kami magpapatalo, dib a Ms. Walking Encyclopedia?” Sakay ni Alena.

“Syempre naman, Ms. Cold-blooded genius.” Tugon ni Pam.

………………….

Ilang Segundo kaming natigilan at sabay-sabay nagtawanan.

“Hahahahahah!”

“Hhahahaha!”                                    

“Hahahah!”

“Hindi bagay saten magyabang.” Sabi ni Alena habang pinupunasan ang luha dahil sa sobrang tawa.

“Kaya nga mga tunog kontrabida tayo.” Sambit naman ni Pam.

“Ano ba kayo guys? Minsan lang ‘to… damdamin niyo na.” Sagot ko.

<><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><> 

Pam POV

Pagpasok namin sa great hall ay nakatingin sa amin lahat nang representative na natira.

“Pam, mukhang dapat nagbitbit tayo ng rosaryo.” Bulong ni James. Malamang napansin din niya ang mga death glares na natatanggap ng grupo namin lalo na sa Brelades at St. Monique.

Mr. Heartthrob VS. Ms. Nerd (Private school vs. Public School) o.n.g.o.i.ngWhere stories live. Discover now