Prologue

56 2 0
                                    




Rainbow in the Rain

Rainbow in the Rain is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

Plagiarism is the act of stealing someone else's work and attempting to "pass it off" as your own. This can apply to anything, from term papers to photographs to songs, even ideas.

Plagiarism is a crime.














Prologue

Labing pitong beses. Labing pitong beses akong umayaw at umoo. Labing pitong beses akong nadapa kakatakbo papalayo at papalit sa'yo. Labing pitong beses kong pinag-isipan kung iiwan ba kita o babalikan. Labing pitong beses akong tumawa't umiyak nang dahil sa'yo.

Labing pitong beses. Labing pitong ulit. Labing pitong sakit. Paulit ulit hanggang sa nasanay na lamang ako na bilangin ang labing pitong ulit mong pasakit saakin.

Tandang tanda ko pa ang ikalabing-pitong kaarawan ko. Naglayas ako no'n at hindi ko namalayan na unting unti na pala akong dinadala ng mga paa ko sa lugar na kung saan tayo'y hindi inaasahang magtatagpo. Malakas ang pag-ihip ng hangin at tila sumasabay ang bawat pagpatak ng tubig ulan sa mga luhang di matigil tigil sa pag-apaw mula sa aking mga mata.

Bawat pagtakbo ko at pagtakas sa masakit at mapait na katotohanan ay kasabay din ng pagtakas ng mga hikbing pilit kong pinipigilan. Sa sobrang lungkot at sakit na aking nadarama ng mga panahong iyon ay hindi ko man lang namalayan na ako'y nadapa na pala. Hindi ko man lang namalayan na nagdurugo na pala ang aking tuhod mula sa lakas ng aking pagkakabagsag. Hindi ko man lang namalayan dahil marahil higit nga na mas masakit ang aking emosyonal na nararamdaman.

Pinagtitinginan ako ng mga taong dumaraan. Pinagtitinginan lang ngunit kahit ni isa ay walang nagtangkang sumaklolo. Wala ni isang nagtangkang mag-abot ng kahit kakarampot man lang na tulong. Patuloy ang pagpatak ng aking mga luha ngunit ako'y nagtaka dahil bakit tila mas malakas na ang pagpatak ng aking mga luha kumpara sa pagpatak ng tubig ulan?

Ako'y tumingala at doon ko nakita ang sagot sa lahat ng aking mga katanungan. Sa aking pagtingala ay doon ko nasaksihan na tunay nga pala talagang na sa likod ng madilim, nakakatakot at mapanganib na bagyo ay talagang may isang bahagharing nagbabadyang magpakita na siyang magbibigay ng kulay, pag-asa at saya sa buhay mo.

Ngumiti ka. Nginitian mo ako. At sa unang pagkakataon ay tila nabago mo ang pananaw ko sa ulan. Hindi pala tunay na sa lahat ng pagkakataon ay nakakalungkot tuwing mararanasan mo ang ulan... dahil siya ang nagsilbing dahilan upang ako'y paulit-ulit na humiling na sana'y paulit ulit kong maranasan ang tamis ng bawat pagpatak ng tubig ulan. Dahil wala nang mas tatamis pa sa karanasang maranasan ang bawat pagkakataong ito kasama ang taong maghahatid ng bahaghari sa'yo sa bawat pagtatapos ng pagpatak ng tubig ulan...

Mula sa payong na bitbit mo na nagsisilbing ating pansamantalang bubong ay unting unti kang lumapit at yumuko. At tila ba ako'y nasalamangka nang dahan dahan mong pinunasan ang hindi matila-tila kong pagluha. Ngumiti kang muli sabay maingat mong inayos ang bawat hibla ng aking buhok na nagkalat na rin sa aking mukha. Maingat ang bawat galaw mo na tila ba ramdam mo kung gaano ako kabasag at ayaw mo nang muli kong maranasan ang mawasak.

Walang kumikibo sa ating dalawa. Hindi rin natanggal ang pagtitig mo sa aking mga mata na tila ba pilit mong binabasa ang bawat kalungkutang iyong nahihinuha. At sa unang pagkakataon ay ngumiti ako. Napangiti ako nang dahil sa'yo. Pinangiti mo ako dahil nagpakatanga ka kasama ako ngayong ikalabing-pitong kaarawan ko.

Rainbow in the RainWhere stories live. Discover now