Paunang Salita
Ang mga manunulat na naririto ay mga manunulat ng WRITERS TO WATCH OUT, isang samahan ng mga manunulat na nais matuto kung paano sumulat o gumawa ng kwento, mga manunulat na willing mag-share ng kanilang kaalaman tungkol sa pagsusulat ng kwento, at mga manunulat na nangangarap na magkakaroon ng sariling libro sa hinaharap.
Sa aming facebook group, mayroon kaming activity na FEATURED WRITERS kung saan nagfi-feature kami ng isang manunulat na miyembro ng WWO at tatanungin namin sila tungkol sa kanilang buhay bilang isang manunulat. Parang interview with WWO writers.
Sa librong ito, madidiskubre niyo ang mga manunulat ng WWO. Bukod sa makikilala niyo kami, maaari din kayong makakuha ng tip o advice kung paano kami nagsusulat ng kwento, kung paano kami kumukuha ng inspirasyon, kung paano namin nilalabanan ang writer's block, at marami pang iba.
Malay n’yo, ma-discover n’yo rin ang manunulat na hahangaan n’yo sa kasalukuyan hanggang sa hinaharap. ;)
![](https://img.wattpad.com/cover/128757856-288-k632731.jpg)
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Writers to Watch Out
RastgeleSa librong ito, madidiskubre niyo ang mga manunulat ng WWO. Bukod sa makikilala niyo kami, maaari din kayong makakuha ng tip o advice kung paano kami nagsusulat ng kwento, kung paano kami kumukuha ng inspirasyon, kung paano namin nilalabanan ang wri...