✔Merry-go-round

7 0 0
                                    

Merry-go-round

Ano ang talento mo? Ah Alam ko na! Diba yun Ay ang pagpapaikot ng tanga? O pagiging masaya habang ang iba hilong-hilo na?

Parang Merry-go-round sa park yan e. Yung magpapasakay ka ng mga bata, Babae, o lalake tapos papaikutin mo hanggang gusto mo kasi Feeling mo sila'y kontrolado mo.

Yung iba nagmamakaawa na Pero ikaw tuwang-tuwa pa. Tuwang-tuwa na makita silang napapaikot mo.

Iisipin mo tanga sila Pero ang totoo, mas tanga ka. Bakit?  Kasi mas pinipili mo pang matuwa habang may nasasaktan ka.

Alam mo, dun na sa park. Dun ka bagay e.

TULAla.Where stories live. Discover now