Bad Hair Day?

3.7K 118 1
                                    

SA EROPLANO pa lang ay antok na antok na si Dawn. Inubos lang naman kasi niya ang oras nang nagdaang gabi sa pagtitig sa dingding at sa kisame. Paulit-ulit lang ang mga kantang naririnig niya mula sa smartphone. Kung dati ay may epekto sa mood ng dalaga ang musika, nang nagdaang gabi ay hindi man lang na-trigger ng love songs ang imahinasyon niya. Wala ni isang eksenang nabuhay sa kanyang isip!

Mas dumagdag pa sa stress ni Dawn ang pinagdaanan nila ni Dream bago nila nakuha ang Park Bed and Breakfast. Napamahal na ang bayad nila sa unang taxi, hindi pa nakuha ng driver ang tamang lugar. Wala sa planong pumasok sila sa Sogo. At hayun, sa kamamasid sa tanawin, na-realize ni Dawn na nag-iba na talaga ang mundo. Naging witness pa sila ni Dream ng nag-amok na matrona at binawi ang asawa sa kabit yata na mas bata.

Lumabas silang naiwan sa isip ni Dawn ang mga ke babatang guest na gagawa ng kababalaghan. Nasaan na ang konserbatibong kultura ng Pilipinas? Naghihingalo na talaga ang dangal ng Inang Bayan!

Juice me!

Sasakit na yata ang ulo ni Dawn. Na mas lumala nang sumakay sila ng grab taxi at singilin ng three hundred pesos pagkatapos ng isang liko lang at pasok sa isang maliit na way—Park Bed and Breakfast na pala.

Tapos na ang bad hair day?

Hindi pa.

Nag-padeliver sila ni Dream ng dinner. Nangatog na sila sa gutom ay wala pa rin ang pagkain. Kung hindi pa bumaba si Dream, hindi nila malalaman na nasa baba na ang delivery boy. Naghanda siyang lantakan ang pagkain para malaman lang na walang kasarap sarap iyon. Minarkahan agad niya sa isip ang fast food restaurant na nagdagdag sa stress niya.

Masama na ang mood ni Dawn. Dinaan na lang nila sa kuwentuhan ni Dream ang disappointment. Nang makatulog ang kasama, balik si Dawn sa 'tulala' mode. Inumaga na siyang walang tulog. Hikab siya nang hikab habang nasa taxi papunta sa airport.

Pagdating sa airport, sa paghihintay pa lang ng oras ng flight ay antok na antok na si Dawn. Pagkapasok sa aircraft, agad niyang ikinabit ang seatbelt at deadma na sa mga nangyayari sa paligid.

Okay na sana, maiidlip na si Dawn habang umaangat na sila sa ere—kung hindi lang sa maiingay na boses na nasa unahang upuan na wagas ang kuwentuhan mula sa mga babaeng sexy sa Boracay hanggang sa ganda ng buhangin sa beach sa iba't ibang panig ng mundo. Asar na asar ang naiidlip nang si Dawn. Paki ba niya sa mga sexy sa Bora? Lalong wala siyang paki sa beach sa iba't ibang panig ng mundo dahil wala siyang budget para lumipad sa bawat lugar at i-check iyon. Nagpapansin lang yata sa katabi ang lalaking nagkukuwento kaya sobrang loud.

Naiinis na pinilit ni Dawn ang sarili na bumalik sa 'sleepy mode'. Kailangan niyang makatulog para magka-energy. Makakatikim sa kanya ang maiingay na mga lalaki pagdating nila sa Puerto Princesa.


BHE, I Love You Series: Thor (PREVIEW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon