Chapter 1

1.7K 11 0
                                    

 

“SOLD!!!”

It’s all Rafi’s fault. Hindi niya alam kung bakit siya pumayag sa kalokohan ng tinuturing pa naman niyang matalik na kaibigan. Yes it is for a charity pero ngayon parang gusto na niyang umurong sa napag-usapan nila ng kaibigan.

*************

“Please Chard, pumayag ka na please, please.” Rafi is practically begging him to say Yes.

Pumunta ito sa opisina ni Richard to talk to him about the fund-raising event that she is organizing. Magmula ng magpakasal ito kay Charlie ay nag-for-good na ang mga ito sa Pilipinas but still travelling kapag may time. Ngayon nga ay abalang-abala ito sa mga charity which benefits the children.

“Rafi, alam mo ba kung anong hinihingi mo sa akin.” Hindi niya malaman kung matatawa ba siya o maiinis sa kaibigan.

“But Chard this is all for charity. I know naman na bukod sa guwapo ka, you also have a golden heart.” Pang-uuto pa nito sa kaibigan.

“Puwede naman akong magbigay ng pera, hindi naman ako mahirap kausap kapag ganyan kaso lang yung hinihingi mo mahirap.”

“Richard minsan naman lumabas ka sa comfort-zone mo and anong mahirap dun?”

“Anong mahirap??? You’re asking me to be part of your Bachelor Auction!!!”

“So???”

This bestfriend of his is really acting stubborn. Alam niyang hindi ito magpapatalo sa kanya at lalong hindi ito aalis hangga’t hindi siya pumapayag sa gusto nitong mangyari.

“Richard you’re single so what’s the problem kung isama kita sa auction? Isa pa you will only spend a weekend sa kung sino man ang makakakuha sa’yo.”

Yes, he’s single. He’s been single since…

“I’m going to give you the money now, tell me kung magkano ang kailangan mo basta huwag mo na lang akong isali sa kalokohan mo.” Tiger-mode na talaga siya.

“Richard kapag tinanggap ko ang pera mo, ano na lang ang sasabihin ng iba kong male friends na pumayag na maging part ng auction. Sasabihin nila unfair ako dahil kapag sa kanila hindi ako pumayag na basta magbigay lang sila ng pera then sa iyo pumayag ako. Isa pa you’re my bestfriend tapos ikaw pa ang hindi ko napapayag. Chard this is for the scholarship fund for the poor but deserving children, papahiyain mo ba ang mga bata just because of your pride?” Seryosong paliwanag ni Rafi sa kaibigan.

Huminga ng malalim si Richard. Hindi talaga siya mananalo sa bestfriend niyang si Rafi.

“Rafi, kapag ako napunta sa isang weirdo or some crazy woman I will never-ever forgive you.” He’s definitely warning her.

“So it means YES… right?”

Matagal bago siya sumagot. “Ano pa nga bang magagawa ko? Ang kulit mo eh!” walang magawang sagot niya kay Rafi.

“YES!!!” Parang batang nagtatalon si Rafi sa tuwa. “Don’t worry Chard lahat naman ng imbitado sa fund-raising party na yun ay puro respetadong tao kaya for sure there will be no crazy people around. Ok, so now I will give all the details to Liza kung saan ang venue, time and everything. Chard, IKAW NA TALAGA!!!”

“Rafi will you please stop that.”

“Ok, ok. O pano wala ng bawian yan ha and Chard seriously THANK YOU SO MUCH! I’ll go na.” Lumapit ito sa kanya and gave him a peck on the cheek. Palabas na ito ng opisina pero tumingin ito ulit sa kanya.

“THE ELUSIVE RICHARD LIM!!! For sure maraming matutuwang babae kapag nalaman nila na you’re part of the auction. Promise it will be fun … bye bestfriend.” Pahabol na sabi nito.

Lalo siyang nanghina sa sinabi ni Rafi… paano nga kung ang highest bidder niya is a crazy woman.

**************

“SOLD for 100, 000!!!”

100, 000 pesos??? Kahit sabihin pang para sa charity ito, hindi pa rin niya maisip kung bakit? Sinong matinong babae ang maglalabas ng 100, 000 pesos to spend a weekend with him? He is seriously questioning his sanity right now and seriously questioning the sanity of whoever bid for him.

**************

Nang matapos ang fundraising party ay lumapit sa kanya ang isang babaeng ayon sa bestfriend na si Rafi ay siyang highest bidder niya. She looked serious, professional and yes she looks normal atleast. Kahit papano ay nakahinga siya ng maluwag.

“Good-evening Mr. Lim. I’m Miss Lapuz.” The woman extended her hand on him for a handshake.

“Good-evening Miss Lapuz. So I heard that you bid on me and won.”

“Actually Mr. Lim it is not me who bid on you kundi ang boss ko and she’s waiting for you right now.”

“Excuse me?”

“Here’s the key card, she’s in room 2015.” Ang casual na sabi nito sa kanya.

“And what makes you think na pupuntahan ko ang boss mo. She is probably crazy for all I know.” Ang nakasimangot niyang sabi kay Ms. Lapuz.

“Well sir… first, siya ang nanalo sa bidding. Second, hindi naman siguro maganda kung babawiin niya ang pera just because hindi kayo tumupad sa usapan. Third, sabi nila suplado kayo pero gentleman so parang nakakahiya namang hindi ninyo pupuntahan ang boss ko just because natatakot kayo.” Seryosong sabi nito.

She is professional alright.

Kinuha niya ang key card kay Ms. Lapuz. Aalis na lamang ito ng muli niya itong tinawag.

“Ms. Lapuz, can I just atleast know who your boss is?”

Makahulugang ngiti ang binigay nito sa kanya. “Mr. Lim she’s waiting for you so kung ako sa inyo go now para makilala n’yo na siya.” At tuluyan na itong umalis.

***************

Room 2015… he has the key card but he is not going to use it. Hindi niya ugaling pumasok sa kuwartong hindi naman sa kanya.

Kumatok siya… isa, dalawang beses. Sa pangatlong beses nakaramdam na siya ng inis. Hindi porke’t naglabas ang babaing ito ng 100, 000 pesos ay magpapaka-importante na ito.

Maya-maya pa ay bumukas ang pinto…

“Good-evening Mr. Lim.”

“YOU???”

to be continued...

-roxygirl5-

The AuctionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora