Don't Say "YOU LOVE ME"

2 0 0
                                    

THE START

HER

Sa isang kalye may isang babaeng nakahandusay sa kalsada at halos wala ng buhay.

"T-tulo..ng." Hirap na sigaw nito.

Hinahabol na nito ang sariling hininga dahil kinakapos na ito sa hangin.

"M-maawa ka yo s-sa..kin." May tumutulong luha sa mata nito na nahahaluan ng dugo na nanggagaling sa sugat nito sa noo.

May narinig siyang mahinang yabag, kaya nabuhayan siya ng pag-asa na may magliligtas sa kanya at dalhin siya sa ospital. Unti unti niyang minulat ang kanyang namimigat na mga mata.

Malabo man ang kanyang paningin ay naaninag niya ang papalapit na isang bulto. Huminto ito sa kanyang paanan at pinagmasdan siya.

"T-tu..lunga..n mo a..ko." Pag mamakaawa nito sa taong nakatayo sa paanan niya.

Napaubo siya, ramdam niya ang pagtalsik ng dugo na galing sa loob ng kanyang bibig.

"Gusto mo bang mabuhay?" Tanong nito sa kanya.

"O-oo." Nahihirapang sagot niya dito.

"Sige, pagbibigyan kita. Pero may kondisyon." Sabi nito sa kanya. Base sa boses nito ay babae ang kanyang kausap.

Nagtataka man sa sinabi nito ay sumang-ayon na lamang siya.

"A-ano b..a yu..n?" Mahinang tanong niya.

"Maglalaro tayo, pag ikaw ang nanalo. Mabubuhay ka, pero pagnatalo ka matutuloy ang iyong pagkamatay." Nangilabot siya sa sinabi nito.

"S-sino k..a b-ba?" Naitanong niya pa din sa kabila ng nararamdamang sakit sa ulo at katawan.

"Ako ang iyong taga sundo... Herra."

---

HIM

Sa isang ospital..

"I'm sorry to say Mr. Villamor, pero may taning na ang buhay mo." May simpatya sa mukha ng doktor na kanyang kaharap.

Halos gumuho ang kanyang mundo sa narinig. Ang sabi kasi ng doktor sa kanya ay may tumor siya sa utak at masyado na itong malala. Kaya pala madalas ang pagsakit ng kanyang ulo dahil doon, hindi niya lang binigyan ng pansin dahil ang akala niya ay simpleng sakit ng ulo lamang iyon. Ngayon na siya nagsisisi kung kaylan  huli na ang lahat.

"Wala na po bang solusyon para gumaling ako Doc.?" Desperadong tanong niya dito.

"Meron 50:50 ang chances. Maaaring during you're operation ay tumigil ang tibok ng puso mo at maaaring maging successful ang operation." Sagot nito sa kanya.

"Kung iyon ang paraan Doc gawin niyo po." Nagmamakaawang sabi niya dito.

"Are you sure?" Alanganing tanong nito.

Tumango naman siya dito. Kung iyon lamang ang paraan para madugtungan ang kanyang buhay gagawin niya. Kahit na maaaring tuluyan na siyang mawala sa mundong ito.

"Okay. Come back here tomorrow Mr. Villamor, ireready lang namin ang gagamitin sa iyong operasyon."

"Thank you Doc." Nagpasalamat siya dito bago nag paalam na aalis na siya.

Lutang na naglalakad siya palabas ng ospital. Wala siyang pakialam kung may mabangga siya. Malapit na siya sa exit ng ospital ng may ipinasok na isang duguan na babae na halos wala ng buhay. Sumulyap siya ng saglit doon bago tuluyang lumabas sa ospital na iyon.

'He's dying'

Iyon lang ang tanging nasa kanyang isip hanggang siya ang makarating sa parking lot kung nasaan ang kanyang kotse.

"Gusto mo bang madugtungan ang iyong buhay?" Natigil siya sa pag bukas ng pinto ng kanyang kotse ng may magsalita sa kanyang gilid.

Nilingon niya ito at kunot ang noong tinignan ito.

"Sino ka? At ano yang sinasabi mo?" Tanong niya dito.

"Dudugtungan ko ang buhay mo sa isang kundisyon." Kung hindi lang siya lugmok ngayon pinagtawanan niya na ito. Mukhang baliw ang taong nasa harapan niya.

"You're crazy, maghanap ka ng kausap mo." Naiiling na sabi niya dito.

"Hindi ako baliw Saturn Villamor." Tumayo ang balahibo niya ng banggitin nito ang buong pangalan niya.

"Anong kaylangan mo sakin?" Nahihintakutan na tanong niya dito. Ngayon niya lang napansin na nakaitim ito. Itim lahat ng suot nito, mula sa sumbrero hanggang sapatos.

Ngumisi ito sa kanya.

"Simple lang, maglalaro tayo. Pag nanalo ka madudugtungan ang buhay mo, pag natalo ka tuluyan ka ng mawawala sa mundong ito." Sabi nito sa kanya.

"Sino ka ba?" Tanong niya dito.

"Ako ang iyong taga sundo... Saturn."

Don't Say You "LOVE ME"Où les histoires vivent. Découvrez maintenant