THE PLAYERS

1 0 0
                                    

THE PLAYERS

'Kaylangan mong mapaibig ang taong kasama mo sa larong ito. Utak ang kaylangan paganahin hindi ang puso. Kung sino ang unang mahulog siya ang talo.'

---
HER

KANINA pa siya gising ngunit hindi pa din siya bumabangon sa kanyang kama. Iniisip niya pa din kasi ang sinabi sa kanya ng babaeng nagligtas sa kanya, ang babaeng nagpakilala sa kanya bilang taga sundo nya daw.

Dahil sa kadesperadahan niyang maligtas sa bingit ng kamatayan ay sumang-ayon siya sa larong sinasabi nito. Ngayon, tama bang pinatulan niya ang kondisyon nito.

Itinaas niya ang kaliwang kamay niya at tinignan ang pulsuhan nito na may nakamarkang isang hour glass. Hindi niya alam kung bakit siya nagkaroon ng ganoong tattoo, nagulat na lang siya pag gising niya sa hospital ay mayroon ng nakalagay doon.

"Marka 'yan na nagsasabing ikaw ang napili sa larong ito Herra." Agad siyang napalingon sa nagsalita. Isang babaeng naka pula, pula ang suot nito mula ulo hanggang paa.

Naglakad ito papunta sa kanya kaya napabalikwas siya ng bangon sa kanyang kama.

"H'wag kang matakot sakin, tutulungan kita sa larong ito. Gagabayan kita." Sabi nito sa kanya bago may inabot na maliit na kahon.

"Ano ito?" Takang tanong niya habang tinitignan ang kahon na hawak nito.

"Buksan mo para iyong malaman." Nginitian siya nito. Kinuha naman niya ang kahon at binuksan ito.

Kunot noong kinuha niya ang laman nito at tinignan.

"Para saan ang bagay na ito?"

"Iyan ang magsisilbi mong oras. Ang larong ito ay may takdang oras. Kapag naubos ang buhangin niyan sa taas at lahat ay nasa baba ibig sabihin ay tapos na ang laro." Paliwanag nito sa kanya.

Bigla siyang nalito. "May oras? Paano kung hindi mahulog sakin ang taong kasama ko sa larong ito? Ano ang mangyayari?" Tanong niya muli.

"Ang ibig sabihin lang niyon ay panalo kayo pareho. Pero, wala pa akong nakakainkwentro na ganoong senaryo Herra. Dahil kadalasan isa sa kanila ang natatalo at isa sa kanila ay nananalo."

"Paano kung mahulog ako sa kanya?"

"Simple lang, mauulit ang mangyayari sa'yo noong matagpuan kita. Ang pinagkaiba lang ay wala ng magliligtas sa iyo, tuluyan na kitang susunduin." Paliwanag nito.

Napalunok naman siya sa kanyang narinig.

"Matatagpuan mo ang taong kalaro mo, makikita mo ding may marka siyang katulad ng sa iyo. Kayo lamang ang nakakakita ng markang iyan." Tumango naman siya sa sinabi ng babaeng kaharap.

"Sana ikaw ang manalo Herra." Bulong nito sa kanya bago tuluyang nawala sa harapan niya.

'Sana'

Kasabay niyon ay ang pagbukas ng pinto ng kanyang kwarto.

"Anak, ayos ka lang ba?" Bungad sa kanya ng kanyang ina. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

Inilapag niya muna ang hour glass na hawak sa side table niya bago tumayo at nilapitan ang ina.

"Okay lang ako 'ma, tinanghali lang ako ng gising." Sabi niya dito habang nakayakap.

"Ganun ba? Tara na sa baba naghihintay na ang papa at mga kuya mo." Hinila siya nito sa kamay palabas ng kanyang kwarto. Bago tuluyang makalabas ay nilingon niyang muli ang loob ng kanyang kwarto.

Nandoon ang babaeng nakapula, masayang naka ngiti sa kanya.

---

HIM

HAWAK pa rin niya ang hour glass na ibinigay sa kanya ng lalaking naka kulay itim.

Hanggang ngayon ay inaabsurb pa rin ng utak niya ang mga sinabi nito sa kanya.

Pumasok siya sa isang laro na hindi niya alam kung totoo ba. Desperado na kasi siyang madugtungan ang kanyang buhay. Ang problema niya ngayon ay kung paano niya mapapa-ibig ang kanyang kalaro.

'May markang katulad ng sa iyo ang taong iyong makakalaro.'

Iyon ang sabi sa kanya ng lalaki kung paano niya makikita ang kanyang kalaro.

Kaylangan niyang manalo dahil marami pa siyang pangarap na gustong tuparin.

'May takdang oras ang larong ito Saturn.' 'H'wag kang mahuhulog dahil pag iyon ay nangyari ikaw ang talo.'

Iyon ang mga sinabi nitong kanyang tinandaan.

Inilapag niya na ang hawak na hour glass.

Kung may takdang oras ang laro, kaylangan niya ng kumilos para mahanap na ang kasama niya sa larong ito.

At sisiguraduhin niyang siya ang mananalo...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 15, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Don't Say You "LOVE ME"Where stories live. Discover now