A moment of tears 1

20 3 7
                                    

Hi guys! Another short story. Waaaah! Park Jiyeon 😍

Sana po magustuhan niyo. Thank you.

Short story/Fiction

-------------------

Third Person's POV

Kasabay ng malakas na hangin ang pagbuga niya ng usok galing sa kanyang bibig. Huling hithit na niya iyon sa sigarilyong hawak niya.

Agad niya itong inihagis sa lupa at tinapakan.

Nagdesisyon siyang pumasok sa kanyang klase. Kahit na amoy sigarilyo ay wala siyang pakialam.

Hindi pa man nakakarating ng kanyang classroom ay panay na ang bulungan at kulang nalang ay matunaw siya sa mga titig ng kanyang mga kamag-aral.

"Instant celebrity a!", bulong niya sakanyang sarili kasabay ang mga ngising sumisilay sakanyang mga labi.

Papano ba naman siya hindi titingnan. Pumasok siya na puro  pasa sa mukha at katawan, na siyang kagagawan ng kaniyang ama.

"My gosh! What happened? Shanin?", may pagka oa na sigaw ng kanyang best friend na si Trixie Chen.

Kaibigan na niya ito mula noong gradeschool pa lamang sila, at kahit hanggang ngayong college na ay magkasama pa rin sila. Halos kilala na nila ang isa't isa at parang magkapatid magturingan.

"Nagkasagutan kami ni papa ayun binugbog ako", maangas na sagot niya sa kaibigan.

"O anong nangyari?", Trixie

"Malamang sinuntok, sinipa, sinampal. Tanga mo! Ayan o may pasa nga diba?", Shanin

Nang mapansin ni Shanin na nakatingin si Trixie sa kanyang pulsuhan ay agad niya itong tinago at iniwas.

"Shanin ano yan? Hindi ito ang unang pagkakataon na makita kong sinasaktan mo ang sarili mo. Tapos paglalaslas naman?, Gosh! Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo e. Magpapakamatay kaba talaga?", singhal ni Trixie sa kaibigan ng makita ang malalalim na hiwa sa pulso ni Shanin. Sa isip niya bago pa lang ito dahil sariwa pa ang mga sugat.

"Wala lang yan. Wag ka ngang oa dyan. Bakit namatay ba ako?", Shanin

"Ewan ko sayo bahala ka na nga dyan. Gusto mo ako mismo sumaksak sayo? Nakakainis ka", gigil na gigil na sambit ni Trixie kay Shanin

Ilang beses ng nakita ni Trixie na balak magpakamatay ni Shanin. Mabuti na lamang ay napipigilan niya ito dahil nagkakataon na nakakakutob si Trixie na may hindi gagawing maganda ang kaibigan.

"Kung sasaksakin mo man ako gusto ko sa puso agad basta yung mamamatay agad ako. I would rather die, than to endure the pain", seryosong sagot niya sa kaibigan.

"Fuck! Bahala ka dyan", hindi na mapigilan ni Trixie ang magdamdam sa kaibigan dahil bakit ba mas gusto nitong mamatay samantalang mas masayang mabuhay.

Kahit siya ay walang idea kung bakit ginagawa ito ni Shanin.

Maaaring matagal na silang magkasama at kilala ang isa't isa pero kahit isang beses ay hindi man lang nagawa ni Shanin mag kwento tungkol sa buhay niya. Kahit anong pagkumbinsi ay wala siyang magawa.

Hindi man nga lang niya nakita ang kaibigan na umiiyak. Pero alam niya na sobra itong nasasaktan kaya kahit papaano ay nandyan siya para damayan si Shanin.

"Sana lang Shanin hindi ka magsisi kapag gumawa ka ng isang desisyong mali. Bakit hindi mo nalang mahalin ang buhay mo? Kung yung iba naghahangad na mabuhay muli ikaw? mas gugustuhin mo pang mamatay? Sana pagsisihan mo ito", Trixie

"Wala kang alam Trixie wala kang alam", walang emosyong banggit ni Shanin sa kaibigan.

Kahit gustong gusto umiyak sa harap ni Trixie ay hindi niya magawa dahil pinangako niya sa sarili na kailanma'y hindi siya magpapaawa gamit ang knyang mga luha. Kaya kahit anong pagpipigil, wag lang pumatak ang mga luhang nababadyang magpaunahan sa pagpatak.

Pakiramdam ni Shanin ay walang taong makakaindi sakanya. Sa isip niya ay huhusgahan at kukutyahin siya kapag nalaman ng tao ang tungkol sa buhay niya. Kaya kahit anong pagpapakatatag ay gagawin niya.

Shanin Lim a girl that want to end her life.  But in right time, she would really regret it.

-----------------

Vote and comment
Thankyou

Sorry for the error.

A Moment Of Tearsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن