Chapter 1

52 4 0
                                    

Special mention kay KhyleEstrella2!!! Wooh ang ganda niyan pramis. Hahaha! Thank you dahil pinromote mo kuwento ko. Lavyah!

********************
Maris Adelfa's POV

"Ang dilim naman dito. Pwede bang buksan ang ilaw? Di ko makita hinahanap ko dito eh." Sabi ko habang naghahalungkat dito.

"Mag isip ka nga Adelfa. At tsaka wag ka ngang maingay baka marinig nila tayo." sabi ni Zeny Owensby.

Nandito kami ngayon sa kwarto ni Ryker Dawson. Naghahanap ng ebidensya. Oo ebidensya kung siya ba talaga ang gumawa nun kay Elora. At ang dilim pa infairness huh? Pwede namang buksan ang ilaw dito kaso pinigilan ako netong si Zeny. Pano namin mahahanap ng madali yung hinahanap namin e ang dilim. Pero sabi niya di daw pwede kasi baka may makakita.

"Maris Adelfa, look at this." Sabi ni Zeny.

Pumunta naman ako sa gawi niya. At may hawak siyang cellphone. Pumunta siya sa messages at may iisang text lang don.

10:18 am. Thursday

( Sumusunod ka naman pala sa usapan.)

From: 09123456789

"Zeny, diba thursay din siya pumunta sa presinto at sumko?" Sabi ko habang nakatingin lamang sa hawak kong cellphone ngayon.

"Basta graduation ng kuya mo yun."
sabi niya.

I check my calendar on my phone at thursday nga nung graduation ni kuya. Wait, parang may mali dito ah.

"Teka, alam mo ba ang eksaktong oras?" Tanong ko sa kanya

"Hindi ko na masyadong maalala pero. Pero mga around 10am sigruo. Kakatapos ko lang kasi sa class nun eh."

Napaisip ako, 10:18 malapit lang sa 10am at exactly Thursday din ang araw nung sumuko siya.

"Zeny, feeling ko na set-up lang siya."

"What do you mean?" Sabi niya na para bang nalilito

"Feeling ko may kinalaman yung text nung lalake sa kaso. Kasi di mo ba napansin? Thursday sumuko si Ryker. Mga 10 siya sumuko then yung nagtext eh 10:18. Posibleng may kinalaman yung sender." Pwede dahil malapit lang sa oras na sumuko si Ryker.

"So ang pinapahiwatig mo na nautusan lang siya?

"Exactly. We need to talk to him." At umalis na kami.

***********************

Nakaupo lang kami dito sa presinto hanang hinihintay si Ryker. Dala ko pa rin yung cellphone na nahanap namin kanina.

Naglalakad na papunta dito sa amin si Ryker. Napatayo ako. Tinignan siya ng seryoso. As in titig na titig lang sa mga mata siya.

"Paki-explain ano meron dito?" Saka ko pinakita sakanya yung cellphone na may message.

Biglang nanlaki ang mata niya. Hmm, i smell bad. Pero ayaw ko siyang pangunahan. Gusto ko sakanya mismo lumabas ang katotohanan.

"Saan niyo nakuha yan?!"

"Di na yon importante, ang importante dito ang katotohanan." Nag iwas siya ng tingin.

Di parin siya nagsasalita. Nakatingin lang ako sakanya.

"Ryk, di mo pwedeng saluhin ang kasalanan ng iba. Kilala kita, di mo magagawa yun. Tutulungan ka namin. Basta sabihin mo lang samin kung ano ang totoong nangyayari." Sabi ko sakanya

The Great DisasterOù les histoires vivent. Découvrez maintenant