Panandaliang Saya

291 9 0
                                    

Panandaliang Saya

Sobrang saya na ika'y makita
Pag-ibig ko sa iyo'y parang nagwawala
Hindi malaman kung saan nga ba nagmula
Pero ito sa iyo'y nakatingin ng masigla.

Ngunit ngiti sa labi biglang nawala
Nang makitang babae sa iyo'y nagpunta
Binigyan ng halik ang babaeng kasama
At napagtantong ika'y may iba na.

Inukit Na Mga SalitaWhere stories live. Discover now