Two

1.1K 32 2
                                    

"Hoy Camille, ano ito o? Turuan mo naman ako." tanong sa akin ni Jeric para sa report niya.

Kinuha ko yung book niya at binasa yung report niya. Nung naintindihan ako, itinuro at pinaliwanag ko naman sa kanya.

"Ayun, okay na! Alam ko na. The best ka talaga kahit ang hilig mong mang-asar!" masayang sabi niya at pinisil pa ang ilong ko.

*

"May gusto ka kay Jeric no?" tanong ko kay Anna, kaklase ko.

Pano kasi, habang inaasar ko si Jeric. Ang sama ng tingin sa akin. Halatang may gusto rin. Tsk tsk.

Well, hindi naman kasi pangit si Jeric e, actually, may hitsura siya. Gwapo. Mabait. Matalino.

"O? Ano naman?" sagot niya.

"Ayieee. Akala ko ba kay Romel ka?" tanong ko. Sa pagkaka-alam ko kasi, kay Romel siya may gusto. Tapos ngayon, kay Jeric na?

"Ayoko na dun, mas gusto ko si Jeric." sagot niya at tinukso ko naman.

"Alam mo, naiinggit ako sayo. Kasi, kahit inaasar mo siya. Nagpapa-asar siya. I mean, sayo lang siya close, sayo lang siya lumalapit." dugtong pa niya.

"Ay hala? Tropa kasi kami, kaya ganun. Tsaka, hindi lang ako. Si Romel at Joy pa." sagot ko.

"Pero iba e. Iba pag kayong dalwa ang nag-uusap." sabi niya at napa-iling na lang ako.

"Hoy Jeric, may girlfriend ka ngayon?" biglang tanong ko sa kanya.

"Wala, bakit?" sagot niya at tumango naman ako.

"Anong wala? Meron kaya, ako!" biglang singit naman ni Anna.

"Ay oo, girlfriend ko si Anna." and because of his answer. Napatili ako sa kilig.

Ang gwapo lang niya sa pagbigkas niya ng 'girlfriend'.

"OH MY GOSH! KYAAAAAAAAH! OMG! OMG! OMG!" tili ko pa.

Halos nagkagulo ang classroom namin dahil lang doon, ang dami kasing nagkakagusto kay Jeric e.

"Ayieee. Inamin niya na girlfriend niya si Anna. Yieee! Forever na yan!" pang-aasar ko pa sa kanya.

"Ayieeee. Ikaw, Jeric ha!" pang-aasar ng iba ko pang classmates.

"Papansin ka ay! Sinakyan ko lang naman yung trip mo." singhal niya sa akin.

"O hala! Ako pa ngayon?" pa-inosenteng sabi ko.

"Tch." iling niya.

Inasar ko lang siya ng inasar dahil do'n.

*

"Wag niyong ibibigay kay Jeric yung sukli niya ha! Sa akin niyo ibigay!" sabi ko sa kaklase ko.

Nagsisimula na naman kaming mag-asaran nitong lalaking ito.

"Isa, sa akin niyo ibigay!" sabi niya sa kaklase namin.

"Ay hindi! Akin na. Akin na yung sukli ni Jeric." harang ko dun sa kaklase ko at binigay sa akin yung sukli.

Pag harap ko sa kanya, hawak niya yung bag ko at binubutbot ang mga laman nun.

Hinayaan ko na lang siya.

"Oy, tingnan niyo oh, gandang bata!" biglang sigaw niya, at pagharap ko, hawak niya yung picture na nakalagay sa wallet ko. Picture ko yun nung moving up namin nung grade 10.

Inagaw ko sa kanya pero hindi niya binigay.

"Akin na nga yan! Papansin ka!" singhal ko.

"Ayoko. Akin muna yung sukli ko." pang-aasar niya.

Imbis na sagutin ay tinalikuran ko lang siya at kinuha rin yung bag niya.

"Hoy! Wag yan!" sigaw niya nung binubutbot ko na yung bag niya.

Inilayo ko yung bag niya at kinalkal pa habang pilit na inaagaw niya.

Then, a small notebook caught my attention. With engraved, my secrets on cover.

Kinuha ko ito at binalik sa kanya ang bag niya. Naka-ngirit siya habang nagsimulang maglakad palayo pero biglang huminto nung may na-realize siya.

Nanlalaki ang mata na humarap siya sa akin at todo ngiti naman ako.

Bago pa niya ako malapitan ay tumakbo na ako sa CR at pumasok sa isang cubicle do'n.

Pagbukas ko pa lang, isang pangungusap na ang nagpa-gulat sa akin.

I love you, Jean Camille Enriquez.

"Hoy, Camille! Wag mong basahin yan, please! Ibalik mo na sa akin yan!" rinig kong sigaw ni Jeric sa labas ng CR.

His Diary (short story)Where stories live. Discover now