💘ONE - MR.KG💘

13.1K 130 6
                                    

Kirstel's PoV❤

Nandito ako ngayon sa park na pinupuntahan ko pag gusto kung mag-isa

Dito ako nakakapagisip isip, dito ako nakakahinga ng maayos, dito walang problema, dito walang mga demonyo

Naiinis ako sa mga magulang ko kung bakit ako pinabayaan, iniwan or pinamigay ba o kung ano mang dahilan

Dahil sa ginawa nila, naghihirap ako ngayon, nagtitiis sa demonyo kung buhay

Pagod na pagod na akung mabuhay ng ganito, sawang sawa na ako sa buhay ko

Bakit ang malas malas ko, hindi ko na nga kasama mga magulang ko di ko pa kilala kung sino tapos ang mga umampon pa sakin mga demonyo

Hindi ko na napigilang humagugol sa iyak, ito lang ang paraan para mabawasan ang sama ng loob ko, gusto kung tumakas pero saan naman ako pupulutin pag nagkataon, kaya tiis tiis lang muna sa sakit

"Here" may nag alok sa akin ng panyo, alam kung lalaki sya kasi halata naman sa boses

Di ko lang sya pinansin, umiyak lang ako ng umiyak, nilapag nya yung panyo sa lap ko at umalis sya

Kinuha ko yung panyo sa lap ko at tinignan ang kabuuan ng panyo ewan ko ba may parte ng utak ko na nagsasabing ibuklat ko ang panyo, may naka burda itong 'KG' pareho ito sa panyo na binigay sa akin nung lalaki nakilala ko dito

Pinunas ko yung luha ko at hinanap yung lalaking nagbigay sakin ng panyo, pero wala puro mga bata nalang ang nakikita kung naglalaro

Bumalik nalang ako sa pagkakaupo ko at inalala ang dati 13 years old palang ako nun ng makilala ko sya

~FLASHBACK~

Nandito ako ngayon sa park, kakatapos ko lang sampal sampalin ni Tita

Alam nyo kung bakit? kasi hindi ko nalabhan yung fav. nyang damit, susuotin nya kasi ngayon yun, kaya ayon sampal ang napala ko

Tumakbo ako agad papunta dito noong makaalis sila Tita sa bahay, buti nga't di nila ako sinama kasi ipapahiya lang naman nila ako

Bakit kaya wala akung magulang, hindi ba nila ako hinahanap, hindi ba nila ako namimiss, hindi ba nila ako MAHAL kaya nila ako iniwan, pinabayaan o pinamigay ba o kung ano pang dahilan

Mama, Papa kung nasaan man kayo sana hinahanap nyo ko

"Are you okay?" tanong sakin nung lalaki, tumingin ako sa kanya at umiling

MR. COLD HEARTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon