KABANATA IV

9.7K 68 26
                                    

"Alam niyo? Simula nung nawala si Pres, nag iba na talaga ang lahat dito sa classroom sa pamumuno ni Mateo" wika ni Vincent sa barkada.

"Oo nga, tsaka ang laki talaga ng pinagbago ni Mateo, di na sya honor student, palaging malungkot, paminsan minsan nga ay nahuhuli ko pa syang umiiyak ng palihim, gusto ko man syang aliwin pero alam ko namang di niya ako papansinin, tuloyan na ngang lumayo ang loob niya sa atin, palagi nalang syang mag isa" tugon naman ni Blase na sinasang-ayunan ang pahayag ni Vincent.

***

Naririnig kong pinag-uusapan ako nila pero hinayaan ko nalang, people say that the "grieving process is long but the truth is it never ends!" Araw-araw sa tuwing naaalala ko si Alex sumasakit ang puso ko na para bang may sumasaksak nito, bigla nalang tumutulo ang mga luha ko ng di ko namamalayan, parati nlng akong malungkot, di ko magawang ngumiti, Miss na miss ko na talaga si Alex, palagi ko siyang napapanaginipan, di ko pa rin matanggap na wala na siya ng ganun-ganun lang, para akong mababaliw, siya na ang nag silbing kalahati ng buhay ko" di ko namalayang nababasa na pala ang papel na hinahawakan ko dahil sa mga luhang pumapatak mula sa aking mga mata habang iniisip siya.

Maaga kaming pina-uwi kasi may meeting ang mga teachers, andito ako ngayon sa rooftop ng bahay gustong mapag-isa, gustong huminga.

Patapos na ang second semester, kaya dito na rin siguro mag tatapos ang kuwento ko, kasi wala na ring saysay kung ipagpapatuloy niyo pa rin ang pagbabasa kung ako nalang mag isa.

WALA NA SI ALEX, WALA NA ANG TAONG PINAKAMAMAHAL KO, SANA IPINUTOK KO NALANG TALAGA YUNG BARIL NI DAD SA AKING ULO AT HINDI SA KISAME NG BAHAY NUNG MALAMAN KONG WALA NA SIYA, SIGURO NGAYO'Y MAGKASAMA NA KAMI, SIGURO HINDI NA AKO MALULUNGKOT NG GANITO,AT SIGURO HINDI NA AKO MASASAKTAN ARAW-ARAW SA TUWING NAAALALA KO SIYA.

"ALLEEEEEEXX... MISS NA MISS NA KITAAA!..." sigaw ko para ma ibsan ng kunti ang sakit na nararamdaman.

"Napakabilis ng paglipas ng araw at gabi, GRADUATION DAY na namin ngayon, di ko pa rin nakakalimutan si Alex pero di na gaya ng dati, nagagawa ko na ngayong ngumiti, oo paminsan minsan sa tuwing na aalala ko siya bigla na naman akong napapaluha, siguro kung buhay pa sya ngayon sabay kaming ga-graduate. Sabay kaming mag ko-kolehiyo at balang araw masaya kaming ikakasal, naging miserable ang buhay ko nang mawala si Alex, lalo na nung mga huling buwan ng G11 second semester at nung summer na di ko magawang kumain, parati lang akong nagkukulong sa kwarto, parating umiiyak, parating malungkot, parating tulala, buti nalang at di ako sinukuan nina dad at mom, pinaalala nila sa akin ang mga pangarap ko nun, pinaramdam nila sa akin kung gano nila ako ka mahal na hindi ako nag iisa, lagi lang silang nang dyan sa aking tabi kaya unti unti akong naka bangon mula sa kalungkutang nararamdaman, unti unti nila itong pinalitan ng kasiyahan. Ito ngayon ang nag silbing inspirasyon ko't naging motibasyon para makapag tapos ng pag-aaral. Ina alay ko itong mga medalyang suot suot ko ngayon kay Alex at kina dad at mom, mahal na mahal ko kayo maraming salamat".

Lahat ay nag palakpakan, sa pagtatapos ng talumpati ni Mateo bilang isang estudyanteng nagkamit ng pinakamataas na marka at pumasa sa kwalipikasyon para masungkit ang "WITH HIGHEST HONORS".

Unti-unti ng natutupad ni Mateo ang kanyang mga pangarap. Pagkalipas ng sampung taon isa na siyang lisensyadong Cardiologist.


Ikakasal na ako kay Maggy Valiente, anak ng isang mayamang negosyanteng kaibigan nina Mom and Dad, hindi na ako umalma kahit mahal ko pa rin si Alex, inisip ko nalang na makabubuti ito para sa ikalalago at ikakatibay ng kompanya, tsaka mabait naman si Maggy doktor rin siya kagaya ko isang Pediatrician, siguro magiging masaya rin si Alex sa disesyon kong ito. Alam ni Maggy ang nangyari sa akin nun kilala rin niya si Alex Sarceno, alam niyang minsay nagmahalan kami at engage kami sa isa't isa bago paman siya nawala pero minahal at tinanggap niya parin ako.

PRES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon