Chapter four

8.5K 179 6
                                    


Unedited

NAALIMPUNGATAN si Maxine ng maramdamang tila may nagmamasid sa kanya. Nang imulat niya ang isang mata ay wala naman siyang nakitang tao sa loob ng kwarto. Nananaginip lang siguro siya. Bumaling siya sa kanang panig ng kama. Napamulat agad siya ng mata ng may mahagip siyang isang bulto na nakasandal sa hamba ng pinto ng kwarto niya. Agad din siyang napabalikwas ng bangon. Titili na sana niya ng makilala niya kung sino ang lalaking iyon

"Anong ginagawa mo sa loob ng kwarto ko, Denver?" tanong niya kay Denver. Napakunot ang noo niya nang makitang nakatitig lang ito sa kanya. Nang sundan naman ni Maxine kung ano ang tinitingnan ni Denver ay nanlaki ang mata ni Maxine. Agad niyang hinagilap ang kumot at itinakip iyon sa katawan niya. Dahil sa sobrang pagkagulat nakalimutan niyang nakasuot lang pala siya ng manipis na negligee. At...at hindi pa siya nakasuot ng bra! Oh, my god! Kinuha niya ang unan sa tabi niya at ibinato iyon kay Denver nang makita niya ang kapilyuhan na bumakas sa mukha nito. Natatawang sinalo lang naman nito ang binato niyang unan.

"Sexy ka pala." nakangising wika nito habang umayos ito ng tayo.

"Bastos!" singhal niya.

Tumawang muli si Denver.

"Kanina ka pa ba rito? At paano ka nakapasok?" sunod-sunod na tanong niya.

"Hindi naman naka-lock iyong pinto ng kwarto mo kaya ako nakapasok. At tinanong mo ako kung kanina pa ba ako rito. Yeah. Mga sampung minuto na." nakangising sagot nito.

"Kanina ka pa pala na rito sa loob ng kwarto ko. Bakit hindi mo ako ginising?" naiinis na wika niya kay Denver. At lalo siyang naiinis rito sa isiping baka may nakita ito na hindi dapat nito makita.

"Hindi kita nagising dahil nasisiyahan ako sa nakikita ko." ani Denver sabay kindat sa kanya. Hindi naman maiwasan ni Maxine mamula ang mukha. So, may nakita talaga ito. Arrhg! Nakakahiya! "O, your cheeks turn red." natatawang puna ni Denver ng mapansin nito ang pamumula ng pisngi niya. Umayos ito ng tayo at naglakad palapit sa kanya. Napakurap si Maxine ng ipitin ni Denver sa kanyang tainga ang buhok na tumatabing sa mukha niya. "Mag-ayos ka na diyan. Dahil may bisitang naghihintay sa'yo sa ibaba." sabi ni Denver sa kanya. Hindi naman magawang makapagtanong si Maxine kung sino ang tinutukoy ni Denver na bisita na naghihintay sa kanya sa lakas na tibok ng puso niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. Kung bakit biglang kumabog ang dibdib niya? Mukhang inaantok pa yata si Maxine. Kulang pa yata siya ng tulog.

Dahil sa pag-iisip hindi namalayan ni Maxine na wala na pala sa harap niya si Denver. Nagulat na lang siya nang makita niya itong naglalakad patungo sa pinto ng kwarto. Binuksan nito ang pinto. Pero hindi pa ito tuluyang nakakalabas ng lumingon ito sa kanya.

"Totoo pala iyong kasabihan na...tuwing umaga mo lang daw nakikita ang tunay na ganda ng isang babae." makahulugang wika ni Denver bago ito tuluyang lumabas ng kwarto niya.

Ano daw?


------

"AYOKO, masyadong simple." wika ni Maxine sa wedding planner sa itinuro nitong picture ng wedding gown sa hawak niyang Magazine.

Nagulat si Maxine kanina ng pagbaba niya ng hagdan ay nakita niya ang mga magulang ni Denver at mga magulang niya na abala sa pagpa-plano ng detalye sa kasal kuno nila ni Denver. May kasama pa ang mga itong wedding planner na bahalang mag-asikaso sa lahat ng kakailanganin nila sa kasal. Ito pala ang sinasabi ni Denver na bisitang naghihintay sa kanya. Ngayon ay ipanapakita ng wedding planner sa kanya ang ilang designs ng wedding gown. Mamili daw siya ng gusto niyang designs.

Bride Wannabe (Completed)Where stories live. Discover now