10

92 4 2
                                    


Andrew


"Bakit ka pumayag" Sigaw ni Ms. Brat sa akin pagkalabas namin sa opisina ni Mrs. Fuentes


kahit ako hindi ko rin alam kung bakit ako pumayag, hindi naman dahil sa hindi ko kayang habulin yung grades ko dahil sa absent ako ng one week sa totoo  lang kahit umabsent pa ako ng isang buwan I can take all the exams and have good grade at it kasi hindi naman sa pag mamayabang matalino ako and my IQ is higher than anyone in my class yun ang sabi ng teachers ko sa France


"Narinig mo naman si Mrs Fuentes na ibabagsak nila ako kung hindi ako pumayag" Sagot ko 


"Gosh ganyan ka ba ka bobo at hindi mo kayang humabol at bakit kailangan ikaw pa" Sigaw niya ulit at nauna ng maglakad sa akin


For the first time my tumawag saking bobo, at for the first time na may ayaw na maging partner ako. 


siguro nga tama siya I'm stupid because I can't figure out kung bakit ako pumayag na maging escort niya kahit kaya kung habolin yung grades ko pero pumyag parin ako, siguro nga I am that stupid kahit ayaw kung madikit sa kanya dahil nga kapatid siya ng lalakeng nag paiyak kay ate ay pumayag parin ako na maging escort niya, Maybe I'm stupid kasi kahit ayaw na ayaw ko sa kaartehan ng babaeng yun pumayag parin ako na maging escort niya and I am stupid because I don't know why.


Umuwi ako sa bahay ng araw na yun at buong gabi ko inisip kuung bakit nga ba ako pumayag hanggang sa inumaga ako ng kakaisip at hindi na halos nakatulog. I don't really like that girl she made me crazy binibigyan niya ng puzzle ang utak ko na hindi ko mabuo, 



kinabukasan pinatawag na sa office ni Mrs, Fuentes at naka busangot na naman si Ms. Brat at halos kulang na lang bugahan niya ako ng apoy kapag tumitingin ako sa kanya,pero di ko na napigilan na mangiti maganda talaga siya kahit naka simangot napiiling ako pano pa kaya kung ngumiti ito,.


"Pinagtatawanan mo ba ako" mataray na sabi ni Andy at tinaasan niya ako ng kilay


kaya mas lalo akong ngumiti para mas lalo siyang inisin at di nga ako nagkamali kinuha niya ang paper weight sa lamesa ni Mrs. fuentes at tinapon ito sa akin


"Anong problema mo" Sigaw niya


"What happening " Naguguluhang sabi ni  Mrs, /Fuentes at tinignan siya


"Maam Hindi ko po alam sa lalakeng yan" Galit na sabi niya at tinuro ako


"Wala akong ginagawa sayo paranoid ka lang talaga bakit bawal na bang ngumiti ngayon" Sabi ko na mas lalong ikinagalit niya


"Ikaw na lalake ka hah, kung tatawa ka ng walang dahilan baka kailangan mo ng mag punta sa clinic at ipatingin yang utak mo" Sigaw niya sakin


"Stop it you two" seryosong sabi ni Mrs. Fuentes at tumayo sa upuan niya


"Maam siya po ang nag simula" sabay naming sabi ni Ms, Brat


"I said tama na" Ulit ni Mrs, Fuentes


"Darating dito ang mag te-train sa inyo bilang Muse at Escort para makuha natin ang title please you two parang awa niyo na magkasundo naman kayo" Sabi ni Mrs, Fuentes


sasagot pa sana si Ms. Brat ng may biglang pumasok sa opisina at nabigla ako at napatayo sa upuan ko


"Baby so ikaw ang escort" Sabi ni Ate Mara at Niyakap ako


"and of course I know ikaw ang Muse Andy" Sabi niya at humiwalay sa yakapan namin at nag madaling yakapin si Ms. Brat so mag kakilala sila


"Ate ikaw ang magiging trainer ko perfect" masayang  sabi ni Ms. Brat


Ngumiti naman si ate Mara. si ate mara ay isa sa dalawang best friends ni ate she is like my second ate sa France din siya nag aaral ng fashion designing at lage kaming nagkikta doon kaya naging close na rin ako sa kanila ni ate ella yung isa pang best friend ni ate


"hindi naman ako papayag na hindi ako ang mag te-train sa pinsan ko" sabi ni ate Mara


"Pinsan mo siya ate Mara" sabi ko, kaya pala parehas sila brat it runs in the blood


"oo may problema ka naman" Sabi ni Ms. Brat


"Oh" Gulat na tumingin sakin si Ate Mara  


"hindi maganda to, hindi kayo magkasundo" tanong ni ate mara


"Of course ate paano naman kami magkakasundo ng antipatiko na yan" Nakairap na sabi ni Ms.  Brat


"This is not good" umiiling na sabi ni Ate Mara


"Sinabi mo pa Tamz" napabuntong hininga si Mrs, Fuente..


"Dont worry Maam before the pageant magkasundo na sila" sabi ni ate mara



napailing ako paano gagawin yun ni ate mara kahit nga sa panaginip or isipin man lang ang hirap makipag kasundo sa babaeng yan. 


Pieces of HEARTWhere stories live. Discover now