CHAPTER 21

5.4K 112 4
                                    

CHAPTER 21

NEILAH

Madilim ang buong paligid at tanging ang ingay lamang ng mga uwak ang tangi kong naririnig. Tanging ang ilaw sa buwan lang din ang nagbibigay ng kaonting liwanag na tumatagos sa mga mayayabong puno na nakapalibot saakin.


Tumatakbo ako. Ramdam kong hingal na hingal na ako na para bang ilang metro ang tinakbo ko. May mga sanga ng puno na tumutusok sa iba't - ibang parte ng katawan ko ngunit patuloy pa din akong tumatakbo kahit na punong - puno na ang katawan ko ng dugo.


"Princess ~ Nasaan ka na? ~" Rinig ko ang palabirong sigaw ng isang lalake at mula sa malayuan ay naaninag ko ang isang maliit na ilaw. Napasinghap ako.


"Princess! Wag ka na magtago!" Sigaw naman ng isa na halata na ang pagkainis sa kanyang boses.


"Kahit saan ka magpunta ay mahahanap ka pa din namin, Princess!" 


"Sumuko ka na lang! At hindi ka na namin sasaktan pa!"


Palapit na sila ng palapit. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Kung bakit ako tumatakbo at kung bakit may humahabol saakin. Gusto ko tumigil pero parang may sariling buhay ang katawan ko na patuloy pa ding tumakbo.


Hanggang sa naramdaman ko ang pagdulas ko. Tumili ako ng magdire - diretso ako papunta sa isang bangin. Ramdam ko ang malamig na hangin na dumadampi saakin habang bumabagsak ako papunta sa isang dagat sa ibaba.


"Neilah." May naririnig akong boses. "Neilah. Gumising ka na."


"Mavy!" Pero may naririnig pa akong isa. Isang boses bata. "Mavy! Kumapit ka lang!"


"Neilah binabangungot ka."


"Mavy! Tumakbo ka na!"


"Neilah wake up."


"Mavy! Iligtas mo sarili mo!"


"Neilah dammit. Wake up woman."


"Mavy! Mavy!"


Just then, a realization hit me. Mavy? But my name is Neilah.


Hingal na hingal akong bumangon. Agad namang may umalalay saakin habang sapo - sapo ko ang dibdib ko na sobrang lakas ng kabog.


Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Unang bumungad saakin si Tita na nagaalalang nakatingin saakin. I sigh heavily. Panaginip lang pala.


"Neilah, my niece." Si Tita Fiona. "Buti naman at nagising ka na. Binabangungot ka." She smiled at inalalayan ako upang mas maayos ang pagkaupo ko.

The Secret of the Campus Nerd ✔Where stories live. Discover now