Chapter 11

496 18 2
                                    

Chapter 11
Sam's POV

Pumasok na ako sa condo at nagpasyang humiga muna. Sobrang sama ko ba para magalit kay Ricci? Ang oa ko ba?

Patayo na sana ako para maligo nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Ate Gwen 🤦🏻‍♀️ is calling...

"Samantha! Are you okay? What happened? Nag text sakin si Ricci may nangyare daw sayo? Ano masakit ba? Gusto mo pumunta ko dyan? Anong gust-"

"Ate Gwen, Okay na ko. Nagpapahinga na. Don't worry."

"Sure? Next time mag iingat ka ha! Nako lagot ako kay daddy neto!" Buntong hininga ni ate.

"Yes ate, mag pahinga ka na din. Wag mo na sabihin kay daddy, okay naman na ko eh.  Matutulog na ko. Goodnight, love you." Binaba ko na ang phone ko at naligo na.

Super intense naman ng araw na to. Nakakapagod! Hindi man lang ako nakapag ayos bago umuwi. Sobrang lagkit ko na! Yuck!

After kong maligo, gumawa na ko ng assignment at inayos ko na ang mga gamit ko para bukas. Hinanda ang damit na gagamitin ko. Odiba, nag aayos na ang ate mo!

Nagpadeliver din ako ng chinese food at kumain na pagkatapos ko mag linis ng condo.

"Ang ganda naman neto, ganda pa ng swimsuit." Nag sscroll lang ako sa ig ko, pampalipas oras. Shet, ang panget ko pala talaga no.

Inayos ko na ang kama ko para matulog nang bigla akong napatingin sa oras. Jusko, 11:30 na pala! Malelate nanaman ako neto.

Sinet ko na ang alarm clock ko at papatayin ko na sana ang ilaw nang bigla nanamang tumunog ang phone ko. Ang kulit naman ni ate!

"Ate okay nga lang a-"

"Ay sorry napindot. Goodnight, bye." Sabi ng kausap ko.

Tinignan ko ang phone ko at nakita kong si Ricci pala ang tumawag. Ano sasabihin ko? Mag sosorry ba ko?

Lumipas ang one minute at hindi pa rin niya binaba ang tawag. Ano kayang trip neto?

Mag sasalita na sana ako nang bigla namang naputol ang call. Okay. Babawi nalang ako.

...

Kinabukasan, maaga akong nagising para makapag ayos ng gamit. Masakit pa rin yung pwet ko sa pagkakabagsak kahapon pero kaya ko naman na.

"Hello?" Sagot ko sa tawag.

"Sam? Okay ka na ba? Pinapasabi nga pala ni coach na wag ka na daw muna pumasok ngayon. Naexcuse ka na daw sa mga prof mo ngayong araw. Pahinga ka muna ha." Sabi sakin ni Neil.

"Hindi, okay lang. Kaya ko naman na tsaka ayoko may mamiss na lesson. Tsaka may practice tayo diba? Baka magulo kayo kase kulang ng isa." Katwiran ko.

"Okay na nga eh. Pinag papahinga ka na nga ayaw mo pa. Kung ako yan, sarap buhay." Tawa niya.

"Sure ba yan? Sige na nga. Basta update mo nalang ako kung may dinagdag kayo ha."

Binaba ko yung phone at hinanda na ang mga kailangan sa lulutuin ko. Siguro para makabawi ako kay Ricci kailangan ko mag effort. Ang thoughtful ko no?

Hindi naman ako ganun kagaling mag luto, marunong lang.

Nilagay ko na yung niluto ko sa favorite kong tupperware at nagpasyang maligo.

Nag ayos ako ng kaunti para naman presentable ako no. Kailangan papasa sa standards. Grabe ka Ricci, sayo ko lang to nagawa. Iba ka.

Nilock ko na ang condo ko dahil nasa baba na ang uber. May pag uber na, dati pa jeep jeep lang ang ate mo.

Enough | Ricci RiveroDonde viven las historias. Descúbrelo ahora