Chapter 44

1.7K 66 1
                                    

Elaine

Ilang subject na rin ang lumipas, pero hindi parin kami nagpapansinan ni mj. maging si kristell, nawiwirduhan na sa ikinikilos namin.

"Class Dissmissed." Matapos ni sir briones magdescuss, nagdismissed na ito agad at lumabas na ng room.

"Argh!!" Napahampas at napatayo naman si kristell, nang makaalis si sir briones. Muntik naman akong mapatalon sa ginawa niya.

"Nakakainis kayo! Tara nga sa rooftop! Maguusap tayong tatlo dun!!" Magpo-protesta pa sana ako. Pero hindi ko na nagawa dahil hinila ako ni kristell kasama si mj, papalabas ng room.

"Ano ba?! Pwede namang sumunod sayo, hindi mo naman ako kailangang hilahin!!" Sigaw ni mj kay kristell. Sabay hinigit ni mj ang kanyang kamay ng padabog. Sabay nauna nang maglakad.

"Ano ba 'yan!! Pati ako nadadamay na rin!!" Iritable nitong sabi, sabay patabog din siyang naglakad papuntang rooftop.

Ako na lang lagi? Sige sanay naman na ako.

---*---

Nang makarating kami sa rooftop, nag indian seat muna kaming tatlo, bago magsalita si kristell. She sighs first.

"Ano bang problema niyong dalawa at ganyan ang ikinikilos niyo? Pati ako nadadamay na din." Iritableng sambit ni kristell, sabay napasabunot ito sa kanyang buhok.

Sandaling bumalot ang katahimikan, wala ni-isang nakibo saamin. tanging ang mga huni ng mga ibon, ang puno na hinahangin ang tanging naririnig ko.

"Ano?! Masasampal ko na kayong dalawa, kapag hindi pa kayo nagsalita diyan!!!" Napasigaw na si kristell saamin sa sobrang inis niya.

Humugot muna ako ng napakalalim ng buntong hininga. Sabay pinakawalan ko ito agad.

"Ako talaga ang may kasalanan." Sagot ko, sabay napayuko ako.

"Eh? Paano nga? Pabitin naman eh!!" Naasar nang sabi ni kristell saamin sabay sabunot sa kanyang buhok.

"Okay fine. Ganito kasi." Nagbuntong hininga ulit ako bago magsalita.

"Ako naman kasi talaga ang may kasalanan, kung bakit hindi ako pinapansin ni mj. Napaka manhid ko kasi, hindi ko alam na may kaibigan pala akong hindi ko na nakakausap, nakalimutan ko nang may kaibigan ako na parang kapatid ko na." Huminto muna ako sandali, sabay tumungo lang ako.

"Simula nung maging magpartner kami ni jasper, hindi ko na madalas makasabay o makasama si mj. Hindi ko na rin siya makausap sa bahay. Dahil palagi akong niyayaya ni jasper na lumbas." Shit! Naiiyak na ako. Nangingilid na yung luha ko.

"Hala ka! Ako din naman eh, may kasalanan din kay jm." Napayuko din si kristell sa kanyang sinabi. Napatingin naman ako sa gawi ni mj. Seryoso niya lang kaming pinapakinggan sa aming sinasabi.

"Mj... I'm so sorry." Hindi ko na napigilan ang luha ko. Dahil bigla nalang itong tumulo sa aking pisngi.

Kinuha ko naman saaking bulsa ang panyo ko sabay pinunasan ang aking luha.

"I'm so sorry for being numb. Sorry dahil nakalimutan kong may kaibigan pala akong hindi ko na nakakausap at nakakasama. Sorry for everything. Sorry for what i've done. I hope you can forgive me." Nakayukong sambit ko habang patuloy pa rin ang pagdaloy ng mga luha sa aking pisngi. Patuloy ko naman itong pinupunasan.

Naramdaman kong parang may tumabi saakin at niyakap ako.

"I always forgive you laine, I'm sorry too, for being childish. Sorry for being mean to you and kristell earlier, and yesterday." Bigla naman akong napatigil sa pagiyak ko nang magsalita si mj. Hinarap ko siya, sabay nagpunas ng aking luha.

Haters to Lovers (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon