3

2 0 0
                                    

Sophie Marnello

I turn on my two speakers,para
sa pag-uumpisa ko ng aking daily routine tuwing umaga

ang mag-exercise...

nag-stretching na muna ko para hindi mabigla ang katawan ko

dahil sasayaw ako

yes,sasayaw...

hindi ng zumba kundi ng...

"I can tell you're looking at me
I know what you see
Any closer and you'll feel the heat
...GG
You dont have to pretend that you didn't notice me
Every look will make it hard to breath
TRX...
Bring the boys out...
Yeah you know?
Bring tha boys out
We bring the boys out
We bring the boys out
Yeah
Bring the boys out~ 🎶"

naputol ang pagsasayaw at paglip sync ko palang sana sa boses ni Taeyeon-ah ng GG nang may kumatok ng walang habas sa pinto ng office ko

"Doc heeeeelp! huhu help me Doc! yung baby ko!!!"


sa taranta ko'y lumabas na ko agad not minding what Im wearing

"anong nangyayari?!" nasabi ko nalang habang pinoproseso kung anong kaganapan sa sobrang agang araw na ito

natigilan ang mga tao nang makita ako

tinignan ko sila "what? sabi ko anong nangyayari bakit may kagulohan dito?" mahinahon ko ng sabi

"siya ba?" turo sa akin ng isang babae

napakunot tuloy ang noo ko

"ah eh opo Ma'am" alanganing sagot ng assistant kong si Grace habang pinapakalma yung babae "huminahon po kayo Ma'am"

"alam mo Miss masama yang nanduduro ka ng tao" sabi ko

tinignan niya ko mula ulo hanggang paa saka siya nagtaas ng kilay at halata sa kanyang mukha ang disgusto

aba't! anong problema nitong babaeng 'to ah?! alas-syete palang ng umaga pero pinaiinit na ang ulo ko!

"siya ba talaga ang doktor dito?" sabay turo at tingin sakin bago ibinalik ang tingin sa assistant kong si Grace "bakit hindi siya mukhang doktor manlang?!" histerya niyang muli "kailangan ko ng doktor na gagamot sa baby ko! magbabayad ako kahit magkano just save her!"

nagpanting na ang tenga ko at alam kong napansin na yon ng assistant ko

"Ma'am siya po talaga ang doktor sa clinic na 'to" anya

duda pa rin akong tinignan nong babae na kanina pa putak na putak ang aga-aga tsk!

porke ba nakapang-exercise outfit ako eh hindi na ko mukhang doktor?

aba'y bastos 'to ah! hindi na nga marunong gumalang sa maganda nag-eeskandalo pa sa clinic ko! ayos!

eh kung kinakaladkad ko kaya siya palabas para makilala niya kung sino ako? tsss

huminga ko ng malalim para pakalmahin ang sarili ko dahil kung hindi ko gagawin yon ay baka majombag ko ang babaeng 'to na masyadong mapang-husga!

habang kinakalma ko ang sarili ko'y napansin ko ang karga-karga niyang nilalang na halatang hinang-hina na

naalarma ako

"Grace ihanda mo ang operation room ngayon rin!"

agad-agad na tumalima ang assistant ko samantalang nahintakotan naman ang babae na kanina pa umaalipusta sakin nang dahil sa narinig

US in LoVe kNoT?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora