SCENE 19

919 24 4
                                    

@ BAhay Tambayan...problemado ang mga ito sa nangyayaring paglindol sa iba't ibang panig ng mundo...

" Sabi ko na nga ba ehh...pagkatapos ng pansamantalang kasayahan may kapalit na ganito. Guys what shall we do? Hindi na talaga biro ang mga nangyayari." Gabriela

" Hindi natin mapipigilan ang mga senyales. Mangyayari at mangyayari ang mga ito." Lance

" Unless, may gumawa ulit sa ginawa ni ate Gab nun!" Napatayo pa si Jason sa naisip.

Nabaling naman ang atensyon ng lahat sakanya at tila napaisip ang mga ito.

" Si Tandang Doring! Baka makatulong sya!" Britney

" Tara! Puntahan na natin sya." si Gian na tumayo na rin.

* @ Tandang Doring's House

Tao po!

Tandang Doring!

Salitang tawag ng mga ito sa harapan ng bahay ng matanda...ipinag tanong tanong din muna nila sa mga kapitbahay kung saan ang bahay nito.

Ilang tawag pa ay lumabas na ang matanda at galing ito sa likod bahay...

" O mga apo! Kayo pala...kanina pa ba kayo?" Ka Doring

" Ah hindi naman po lola. Pero kailangan po namin kayong makausap." Albert

" O sya tuloy kayo. PAsensya na at maliit lamang ang bahay." Ka Doring

" Ayos lang po." sagot naman nila

Isang kubo kubo lamang ang bahay ng matanda ngunit malinis ito...maging ang kanyang munting hardin din ay napaka ayos...maraming mga bulaklak sa harapan at sa likod naman ay iba't ibang klase ng gulay ang nakatanim.

" Ano bang sadya ninyo?" Ka Doring

" Eh lola t-tungkol po s-sa nangyari nun...y-yung ginawa ko para pigilan yung tubig? Alam nyo po ba kung p-pano ko po ulit magagawa yon?" Tila nag aalinlangan pang magtanong si Gabriela.

" Ang bugtong ni Pinunong Igo? Gusto mo ulit gamitin?" Ka Doring

" Eh lola, nagsisimula na po ang pangatlong senyales. Alam ko pong may alam kayo at kailangan po namin ng gabay nyo." Albert

" Pangatlong senyales? Senyales ng pagbabalik ?" Ka Doring

Tumango naman ang mga ito bilang sagot...

" Dalawampung taon na simula ng lisanin ko ang Isla Monica. Isa ako sa mga gabay ni Pinunong Igo...bata pa ako nun..gusto na nyang ituro sa akin ang bugtong pero umpisa palang nahirapan na ako. Pero nakatakda na yun para sa akin dahil ako ang unang apo sa pamilya namin pero umayaw ako at nilisan ko ang Isla. Pero dala ko ang libro...ang libro na magtuturo kung paano gamitin ang bugtong." Ka Doring

Tila nasiyahan naman ang mga ito sa narinig...

" Eh lola kahit sino po ba pwedeng gawin yun?" Jap

Umiling ang matanda pagkatapos ay tumingin kay Gabriela.

" Ikaw ang napiling gumawa nito. Kaya sayo ko ibibigay ang libro...ako mismo ang tutulong sa iyo para mag ensayo." Ka Doring

" Ensayo po talaga?" Britney

" Oo." Ka Doring

" Gaano naman ho katagal ang ensayo?" Gabriela

" Depende yan sa kakayahan mo." Ka Doring

" Eh b-baka po mapahamak na naman sya?" Albert

" Hindi...tinanggap ng katawan nya ang bugtong kaya sya nanghina ng sobra kapag nakabisado na nya ang paggamit dito ay lalakas pa syang lalo. Ang bugtong ay ginawa ng aming mga ninuno at ang nagsagawa nito ay si Pinunong Yamael. Bugtong ni Yamael dapat pero nang ipasa kay Pinunong Igo ay napalitan na rin." Ka Doring

TARALETS ( Book 3 )Where stories live. Discover now