Kabanata 3

174 10 1
                                    

Kabanata 3

Cold encounter


"Baka curious lang talaga siya kay Kiel. Huwag mo na lang masyadong bigyan ng meaning lahat," saad sa akin ni Lynne sa kabilang linya.

Umikot ang mga mata ko sa kawalan at pinagpatuloy na ang ginagawa ko. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pababang si Kuya Roy.

"There is something wrong, ramdam ko." mariin kong sinabi kay Lynne.

Kung anu-ano pa ang sinabi ni Lynne sa akin ngunit wala rin naman akong pinakinggan sa mga iyon.

Habang nakatitig ako sa bawat pag galaw ni Kuya ay biglang nag beep ang cellphone ko. Nang makita kong international number iyon ni Mommy ay binasa ko agad ang message.

Mom
Kailan ang uwi mo rito?

Napataas ang kilay ko dahil sa nabasa ko. Hindi ko alam kung magiging bastos ba ako sa isasagot ko sa kanya o huwag na lamang pansinin iyon.

Anong pakialam niya? Noong nandoon ako sa kanila ni Dad sa States ay gustong-gusto na niyang umuwi ako rito sa Pilipinas. Anong nangyari ngayon?

Mabilis akong nagtipa ng reply para sa kanya.

To Mom
Nag e enjoy pa ako rito. Uuwi ako kapag sinabi ni Dad. 'Di ba ay ayaw mo ako riyan?

Ramdam kong nagsisimula na namang magliyab ang apoy ng galit ko para sa kanya. Hindi ko alam kung kailan mawawala ito. Sa tingin ko ay hindi na. Hangga't maaari, ayoko na siyang makita o makausap pa dahil sa ginawa niya sa pamilya namin noon. Kung hindi lang naman dahil kay Dad at kung hindi ko lang mahal si Dad ay gusto ko nang umalis siya sa buhay namin ng tuluyan gaya ng ginawa niya noon sa amin.

Nawala ang atensyon ko sa pasulyap-sulyap sa akin ni Kuya Roy nang mag beep ulit ang cellphone ko.

Mom
Stop being so rude to me, Acel. I'm just checking on you. Your Dad wants me to check on you, too.

Kung nasa harap ko lamang ito ngayon ay hahalakhak kaagad ako sa kanya ng walang humpay.

Oh gods! Hindi siya marunong umarte!

To Mom
Sinasabi ko lang ang gusto kong sabihin. Uuwi ako kapag sinabi ni Dad. Besides, you don't need to check on me. Kaya ko ang sarili ko.

Kahit kailan ay hindi pumasok sa isip ko na sundin siya. Hinding-hindi mangyayari ang bagay na 'yon.

Hindi ko na pinansin ang cellphone ko at bumaling na ako kay Kuya na panay lang ang kalikot sa laptop niya.

"Kuya, wala ka ba talagang sasabihin sa 'kin?" panimula ko dahilan para matigilan siya at lumingon sa akin ng nakakunot ang noo.

"What are you talking about?" takang tanong niya sa akin.

Tumayo ako at nilapitan siya. "Bakit mo tinanong sa akin ang family name ni Kiel and his Mom?"

Agad na nag-iba ang ekspresyon niya at nag-iwas ng tingin sa akin. "Sinagot ko na iyan kagabi. Huwag ka nang makulit."

"Really? Hindi ako naniniwala. Stop acting like mom." puno ng iritasyon kong sinabi sa kanya dahilan para tuluyan na niya akong tingnan ng diretso.

"Why are you saying that? Anong kinalaman ni Mom rito?" tanong niya at dinig ko roon ang pagbabanta sa boses niya.

Hindi ko mahanap sa utak ko ang dapat kong isagot sa kanya nanatili lamang akong nakatingin sa kanya.

Matigas pa rin ang ekspresyon niya at tingin ko'y hindi ito matatapos rito.

Staring at Sound | Voiceless Duology 1 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now