CHAPTER 15

586 38 6
                                    




Kanina habang nag lalakad si LUIS papunta library nakita nya si EDWARD at MARYDALE na magka hawak kamay, napangiti sya. Masaya sya para sa kaibigan, alam nyang hindi sasaktan ni EDWARD si MARYDALE. At sa wakas muling nag mahal si MARYDALE, mabait itong tao kaya deserve nito ang maging masaya.. Nasa ganun syang pag iisip ng lumapit sa kanya si MARYDALE.

"LUIS" tawag nito sa kanya.

Nilingon nya ito, kita sa mukha nito ang saya.

"Kanina pa kita hinahanap, san kaba nag pupupunta'??? tanong nito sa kanya.

'Nandito lang ako palagi"... sagot nya dito.

"Sus, drama.. may ibig sabihin na naman yan" anya nito sa kanya.

"Wala, pero honestly masaya ako para sayo, congrats" bati nya dito.

"Ayyyyy thank you,"niyakap pa sya ni MARYDALE.

"Teka tama na, parating na yung BOYFRIEND mo baka bigla na lang ako suntukin"... pabirong anya nya dito.

Nilingon naman ni MARYDALE si EDWARD.

"Babe let's EAT"yaya nito sa kanya.

"Sama ka LUIS"??? baling ni MARYDALE kay LUIS

"Hindi na, kayo na lang may gagawin pa ako"...tanggi nya dito.

Inakbayan na sya ni EDWARD at tinungo na nila ang canteen.

Pag dating sa canteen nakita nila sila FENECH na kumakain na. Kinawayan sila ni YONG.

"Hi GUYS" bati ni EDWARD.

"Upo ka na BABE, oorder na ko".. dagdag pa nito.

Pagbalik ni EDWARD may dala na itong pagkain.

"GUYS picnic tayo sa ILOG sa darating na sabado" si CHRISTIAN ang nagsalita.

"Agree ako jan" anya ni FENECH na nag taas pa ng kamay.

"Tamang tama uuwe si KRISTINE makakasama natin sya" wika ni EDWARD.

Bigla syang na excite dahil makakasama nila si KISSES.

Hindi na sya maka hintay ng sabado, kung pwede nga lang hilahin ang araw ginawa na nya, dumating lang ang araw na pinakahihintay nya.

Tuwang tuwa naman si KRISTINE ng sabihin ng kapatid ang plano nila sa darating na sabado.

"Oh really, EDWARD I'm so excited tamang tama Saturday ang dating nya, makakasama natin sya." Anya ni RISTINE sa kabilang linya.

"Mabuti kung ganun, sigurado mag eenjoy din yang boyfriend mo"...sagot naman ni EDWARD.

Araw ng sabado maaga silang nag handa, inaus niya ang mga pagkain, isinakay naman nila YONG at CHRISTIAN ang mga gagamitin sa kotse ni EDWARD. Excited si MARYDALE kahit na lagi naman nila ginagawa ang pag picnic sa tabing ILOG, ang kaibahan lang ngayon kasama nila si KISSES at ang boyfriend nitong galing pa sa ibang bansa..

Pag dating sa ILOG agad na nilang inayos ang dala, hinanda nila ang pagkain. Maganda ang panahon siguradong mag eenjoy sila...

"Hindi ka pa, nagpapaliwanag sakin".... Nagulat sya ng biglang magsalita si FENECH napalingon sya dito.. nginitian nya ito.

"Akala ko nakalusot na ko"sagot nya dito.

"Well akala mo lang yun, hehe" anya nito sa kanya.

Nakaupo na sila sa CARPET na kanilang nilatag sa damuhan. Ng mag ring ang phone ni EDWARD.

"malapit na kami EDWARD" anya ni KRISTINE sa kabilang linya.

"Bakit ang tagal nyo kanina pa naming kayo hinihintay" tanong ni EDWARD.

"SORRY, natagalan traffic eh, but don't worry malapit na talaga"... pagpapaliwanag pa ni KRISTINE.

"OK ingat kayo"... pagkatapos nun binaba na nito ang telepono.

"Sorry guys, malapit na sila." Anya ni Edward..

"Ok lang, parang ayan na yata sila" wika ni YONG ng may humintong kotse sa tabi ng kotse ni EDWARD.

Bumaba si KRISTINE na nakngiti sa kanila, nakatalikod si MARYDALE sa mga ito, busy sya sapag ayos ng mga pagkain.

Nanlaki ang mata ni FENECH ng makilala ang kasama nito, halos natulala naman si YONG at CHRISTIAN ng makita kung sino ang lalaking bumaba sa kotse. Tinanggal nito ang suot na salamin, napatakip ng bibig si FENECH. Hindi dahil sa gwapo ito, kundi dahil kilalang kilala nya ang bagong dating. Napalunok pa sya.

"Bakit ganyan itsura mo, para kang nakakita ng multo" anya ni MARYDALE ng mapansin ang reaksyon ni FENECH.

"Wag kang lilingon" anya ni FENECH, pero huli na dahil lumingon na sya.

Nakangiti sya kay KRISTINE, pero tila nawala ang ngiti sa kanyang labi ng mabaling ang tingin nya sa kasama nito.. "GOSH anung ginagawa nya dito???" tanong ni MARYDALE sa kanyang isip. Anung ginagawa ng lalaking pamilyar na pamilyar sa kanya. Tila nagulat din ito ng makalapit sa kanila..

MAYWARD:THE STORY OF USWhere stories live. Discover now