Kabanata II

724 10 0
                                    

"I'll expect the actual blue print before the month ends Architect Raul so that our Build Department can study and review it already." Sabi ko sa head ng Design Department. Mula kasi sa opisina ni boss ay dumiretso na ako dito sa Design Department para ibigay ang mga naaprobahan na designs sa kanila.

Muli akong bumalik sa aking opisina at tapusin pa ang mga naiwan kong trabaho.

Ngunit naalala ko na naman ang nangyari kanina.

"Sir nandito po si Maam Elaine sa labas ng opisina niyo po." Narinig namin mula sa intercom na sabi ng sekretarya ni Boss Ace.

Ngumiti ako ng mapakla at tuluyang nirolyo ang mga natitirang A3.

"Give us a minute we're just finalizing something here." Rinig ko pang sagot ni Boss sa kanyang sekretarya.

"Sir mauuna na po ako. Ibibigay ko po agad itong mga approved designs po sa design department para magawan na ng blue print." Hindi ko na siya hinintay pa na magsalita at tumalikod na ako. Ngunit bago ko pa maihakbang ang aking paa ay naramdaman ko ang paghila sa akin ni Sir paharap.

"Let's talk later after work. Okay?" Tumango na lang ako habang hawak niya ang aking kamay patungo sa pinto. Binitawan na lamang niya ito ng in-unlock niya ito at pagkabukas ay bumungad at nakangiting si Maam Elaine sa amin na ikinayuko ko rin bilang paggalang dito.

Nawala ang aking iniisip ng may narinig akong marahan na pagkatok mula sa labas ng pinto ng aking opisina at lulan mula doon ay ang aking sekretarya na dala ang maliit na notebook planner nito.

"Ma'am Claire nagset up po ng meeting yung head po ng finance sa inyo mamaya pong 5pm po. Discussion about daw po sa budget for Club Residencia." Pagbabalita nito sa kanya.

"Mabilis lang ba yan matatapos Sophie? By 6 kasi may personal schedule ako na dapat puntahan." At iyon ang pakikipag-usap ko kay Sir Ace.

"Naku Ma'am di ko po sigurado kasi. Pero maam urgent din po kasi ito kasi start na po ng leave ni Maam Reyes po bukas at next week pa po ang balik niya."

I heaved a sigh. I really have to come talaga dahil needed na rin ang budget para dito. I hope mabilis lang talaga siya matapos.

Mabilis lang nagdaan ang oras at alas-singko na ng hapon. Narito na ako sa office ni Miss Garcia ang head ng finance department at hanggang ngayon ay wala pa rin siya. I check my phone baka may message na mula kay Sir pero wala naman.

"I'm sorry for keep you waiting Miss Ventura. I just need to sign some papers before I went here. Wika ni Miss Garcia at mabilis na umupo sa harap ko sa pagitan ng mahabang lamesa.

"Don't mention it Miss Garcia."

"Anyways..."

~~~~~

"So we're settled now? I'll sign the request budget form later before I leave and let my secretary give it to you tomorrow by morning. Is that okay?" Nakangiting sabi ni Miss Garcia.

"It's fine with me."

"All right then, thank you for your time Miss Claire." At nakipag-handshake pa ako dito.

"You too thank you, enjoy your vacation!"

"I will!"

Ngumiti ako at nagpaalam na dito. Napatingin ako sa aking orasan 7:12 pm na. Mahigit dalawang oras pala kami nag-usap ni Miss Garcia at natutop ko ang aking kamay na may naalala ako - si Sir!  Tinry ko icheck ang aking message pero wala naman message from him tanging sa mga kaibigan at sekretarya ko lamang galing ang mga text na natanggap.

Hindi na ako dumaan sa aking opisina bagkus dumiretso na ako pababa ng building. At nang makalabas ako ng kompanya naghintay ako ng taxing dadaan ng may humintong puting sasakyan sa harap ko.

Nagtaka ako kung sino ang nagmamay-ari ng sasakyang ito hanggang sa tuluyang nagbukas ang bintana nito at nakita ko ang isang nakangiting mukha ni Engr. Lee.

"Waiting for someone??"

Pleasure Within ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon