Chapter 11

289 11 1
                                    

Chapter Eleven

"Yan ang bagay sa'yo! Nakakaasar ka!" Pinalo ko siya ng unan.

"Teka? Akala ko ba nagsosorry ka sakin?" Inagaw niya saakin ang unan at itinapat ito saakin. "Pillow fight? Pag ako nanalo, aalis ako bukas pero pag ikaw ang nanalo--"

Hindi ko na siya pinatapos at pinalo ko agad siya ng isa pang unan na nahagip ko habang busy siya kakadada.

"Smooth move..." Nag smirk siya. "Pero you'll soon see who will win!"

Umakyat agad ako sa kama. Masyado siyang matangkad. Isang advantage 'to sakin.

"Hiyaaa!" Pinalo ko ang ulo niya.

"Wow. 2x combo, Ms. Quizen. Patay ka sakiiiin!" Sunod sunod ang palo niya sakin ng unan. Hindi naman masakit. Nakakakiliti nga dahil sa mga feathers na lumalabas.

"Aiirggh! Stop stop!" Tumalon ako pababa at saka pinaghahampas siya.

"I feel nothing. Mukhang aalis ako bukas ah... Ang weak mo pumalo eh." Nag acting pa siya na humihikab at bored.

"ANG YABANG MOOO!" Boom! Sa mukha niya tumama! Hahaha!

"Lagot ka sakin..." Seryoso na ang mukha niya. Napalunok ako sa kaba. Bumubilis ang tibok ng puso ko sa sobrang tension. Bigla na lang siyang nagalit nung pinalo ko siya sa mukha.

"Help..." I whispered to myself. Iisa lang ang tatakbuhan ko kaya dahan dahan ako naglakad papunta sa pinto. Sinundan niya naman ako ng tingin.

"You're not coming out here alive..." He smirked/glared at the same time.

Then everything happened so fast.

Binato ko sa kanya ang unan ko, binukas ang pinto at saka kumaripas ng takbo sa hallway.

"You'll never get me aliveee!" I swear nagmamadali akong tumakbo pababa ng hagdan. Pagkalingon ko, nakita ko siya na mabilis na tumatakbo papalapit saakin. He's actually smiling playfully now.

That's even creepier.

"WAAAAH!" Nakataas ang mga kamay ko habang tumatakbo na kami sa kusina. Sumakto na nagkatapat kami sa lamesa. Nasa kabilang side siya ng dining table. Kapag nagpunta ako sa right or left, doon din siya pupunta.

"Got ya!" I'm so dead.

"Help meeee!" Bigla namang nagpunta si mom at dad sa kusina. Nagtataka ang mga mukha nila.

Naging normal si alien. Kanina mukha siyang predator ngayon, balik alien ulit siya.

"Anong nangyayari dito? Ayiiee!" I grabbed the opportunity to run as fast as I can palabas ng garden.

"WAAAAH!" Akala ko tapos na. Pero nakasunod pa din siya saakin. Buti na lang at hindi umulan kagabi kaya hindi maputik ang garden.

"Ms. Quizen!!!"

"WAAAAH!!! KATY ANG PANGALAN KOOO!"

Pero walang nagawa ang three years na pagtatraining ko ng track and field sa bilis niyang tumakbo. Idagdag mo pa na mas matangkad siya, mas mahaba ang legs niya sakin.

*BOOOGSH*

And before I know it? Buhat buhat niya na ako ng bridal style pabalik ng bahay. Gusto kong magwala para ibaba niya ko pero sa sobrang pagod ko, wala akong nagawa. Ang tanging nagawa ko lang ay ang pagtapik sa balikat niya na dapat ay isang hampas na hindi ko pinagtagumpayan.

"There's no use fighting me, Katy."

"Ms. Quizen... na... lang... hindi... bagay pag... ikaw ang... nagsasabi ng... Katy..." Hingal na hingal kong sabi.

"Ok, Ms. Quizen. Looks like you win the pillow fight. Hindi ako uuwi at bubwisitin kita araw at gabi." Bulong niya saakin. Believe me, it's so creepy it sent goose bumps all over me.

»»»»»»»»»»»»»§«««««««««««««

She Married A GangsterWhere stories live. Discover now