Paano Kaya? (UHWG Fan Fiction-Azi Montefalco)

7.4K 147 94
                                    

NOTE: This is a fan fiction of Until He Was Gone (and Until He Returned), this story is all about Azi Montefalco. May mga bagay na pagkakatulad sa ginawa ni ate J, but not that much (and not all), because of course, fan fiction pa rin ito ng gawa niya. 

THIS IS AZI MONTEFALCO IN MY IMAGINATION. I'm sorry if this is not what you think of him but I did my best. Hahaha! 

So 'yun! Azi doesn't have his own story yet so if you miss him or want to read him, you might give this a try! I'm sorry for the typos and the mistakes, I don't have much time to proofread this. No, I'm lazy actually. HAHAHA. The title has really nothing to do with the story, wala lang! ;p So here you go! :) 

---

Once you met him, hindi mo na kayang pigilan ang sarili mo. You'll find yourself having feelings for him--worse, baka nga mahal mo na siya. Kumbaga sa laro, there's no turning back. Because as much as you want to get up, mas lalo ka lang nalulunod. He is one of a kind. Yet, he could break your heart easily. Be careful, baka mamaya, hindi mo nararamdaman, he is already under your undies. 

Clara's POV

"Maria Clara! Aba'y kanina pa kita ginigising dyan!" Hay. Naririnig ko nanaman ang napakaganda kong pangalan. Ano bang meron ngayon at ang aga aga manggising ng nanay ko? Weekend naman a? 

"Talaga bang hindi ka tatayo dyan ha? Aba! Kumilos-kilos ka na dahil magsisimba tayo ngayon! Sakristan ang kapatid mo kaya dapat hindi tayo mahuli." Sabi niya. Binuksan ko nang bahagya ang mata ko at nakita ang orasan. 6:30am palang nang umaga at 9am pa ang simba namin. Bakit sobrang aga naman?! 

"Naku! Hindi ka talaga babangon, ha?" Hindi pa rin ako gumagalaw hanggang sa nararamdaman kong nakakatulog na ulit ako. 

"Sige, hindi ka talaga gigising ha!" Naku po! Eto nanaman kami ni nanay sa parusa niya kapag hindi kami gumigising agad agad. Kahit 21 years old na ako at naka-graduate na ay pakiramdam niya yata, 7 years old pa lang ako. 

"Nay! Wag niyo na po akong kilitiin! Hahahaha! Wait! Wait! Eto na po! Eto na!" Obviously, wala akong nagawa kundi ang bumango na. "Ikaw talaga, Nay! Kaya wala pa akong nagiging boyfriend nyan, e. Baby na baby niyo pa rin ako." I said and hugged her. Kahit naman bungangera ang nanay ko ('wag niyo ako isumbong!), mahal na mahal ko 'to! 

Naghiwalay kami sa pagkakayakap at tinitigan niya ang mukha ko, "Ang ganda ganda talaga ng anak ko kahit bagong gising! Madami ngang nagliligaw sa'yo, diba?" Tanong niya dahilan kaya napakunot ang noo ko. "Baka sabihin niyo, Nay, manliligaw niyo. Wala po ako 'nun! Nay talaga." I pouted. 

Yes, you have seen that right. Wala na kaming tatay. Or moreover, wala naman talaga kaming naging tatay. Buntis pa lang ang nanay ko, he left her with nothing. Kaya totoo ang mga nababasa niyo, may mga ganito talagang sitwasyon. Masaya naman kami kahit minsan syempre, naghahanap kami ng kapatid ko ng tatay. Kaso ganun talaga, wala naman na kaming magagawa.

Hindi kami mahirap, hindi rin naman kami mayaman. But I'm still striving hard para mairaos nang tuluyan ang pamilya ko. 

Pagkatapos kong gumayak ay nakahanda na rin ang kapatid kong lalaki na 15 years old na. "Tara na! At mahuhuli na tayo!" OA talaga ni Nanay, 8:15am pa lang, e! 

"Eto na po!" Sumakay na kami sa limousine este tricycle na service namin. Hindi naman kasi marunong magdrive 'tong si Nanay, at ayaw daw niyang pag-aralan, niyerbosa rin kasi ang nanay ko. Kaya kahit bumili kami ng kotse, kahit kaya naman namin, wala namang gagamit. Hindi ko rin naman trip bumili ng sasakyan sa ngayon.

Paano Kaya? (UHWG Fan Fiction-Azi Montefalco)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon