Fallin'

7.4K 267 14
                                    

QUARTER to eight. Oras nang makarating si Diwa sa bahay ni Rique. Nasa biyahe na siya kanina nang tumawag ito. Nangungumusta kung nasa bahay na siya. Mag-text na lang daw siya kung may balita. Mag-o-off na raw ito ng cell phone pagkatapos ng tawag sa kanya.

Ibinagsak agad ni Diwa ang katawan sa sofa pagkapasok. Kung sana totoong may kaalaman siya sa witchcraft, kukulamin na talaga niya ang sangganong si Rogue. Seryoso talaga ang lalaking balikan siya!

Kung binabalikan na siya wala pa nga siyang ginawa, paano pa kapag nalaman nitong sumira siya sa usapan nila? Hindi talaga siya ligtas sa isang iyon.

At may pa-chocolate at red rose?

Hindi alam ni Diwa kung ano'ng dapat niyang maramdaman. Ang sigurado siya, wala na talagang katahimikan ang mga susunod na araw. Lagi na na niyang naiisip ang mukha ni Rogue-ang mga matang dark at intense tumitig, ang ngising minsan misteryoso mas madalas, nakakainis. Ang tunog ng tawa-ipinilig niya ang ulo. Mali talaga ang nangyayari. Hindi niya dapat ini-entertain sa isip ang kahit anong tungkol sa lokong si Rogue.

Rose o kiss?

Naalala niya ang rosas. Hindi talaga maintindihan ni Diwa ang trip ng lalaking iyon. May pa-rosas rosas at chocolates pa?

Pero inilagay naman niya sa flower vase ang rosas. At nasa refrigerator ni Maya ang chocolates. Sigurado si Diwa na walang lason ang chocolates. Sealed pa ang box.

Ang rosas na nasa vase, natutukso lagi siyang sulyapan. At bawat sulyap, ngisi ni Rogue ang nakikita ni Diwa. Gusto na niyang saktan ang sarili.

Ano kayang ginagawa ng sanggano ngayon?

Agad itinaboy ni Diwa ang imahe sa utak. Bakit ba siya naapektuhan ni Rogue? Napahagod siya sa buhok. Sino bang normal na babae ang hindi kung buong buong naramdaman ang hubad nitong katawan?

At ang halik na...

Napaungol si Diwa. Bigla siyang tumayo at nagmamadaling nagpunta sa kuwarto ni Rique. Mas okay nang ang multo ang isipin niya.

Nagbukas siya ng telebisyon at nanonood. Siguro naman, hindi na maiisip ng akyat bahay na iyon na bumalik.

Kinuha niya ang remote control at saka nahiga sa kama ni Rique. Showbi new ang napagbuksan niya. Si Rique kasama ang isang babaeng artista. Parang kuha sa isang party. Nagpo-promote ng teleserye ang dalawa.

Tracy Wanes. Narinig na niya ang pangalan. Laging kadikit iyon ng kahit anong balita tungkol kay Rique. Pero parehong hindi pa niya nakita ang mukha ng dalawa dati. Loveteam pala ang mga ito. Maganda pala si Tracy Wanes. May chemistry naman kaya patok na magka-loveteam. Titig pa lang ng babae kay Rique, halatang may gusto sa actor. Si Rique naman, laging nakangiti. Guwapo sa lahat ng anggulo.

Nagtapos ang news sa clip na kumakanta nina Enrique at Tracy ng lovesong. Nagtilian ang mga fans. Napangiti si Diwa. Ang suwerte pala niya. Nakakasama at nakakausap niya ang sikat na artista. Hindi lang iyon, nasa mismong bahay pa siya!

Na-realize ni Diwa, mas guwapo sa personal si Rique pero hindi niya naramdaman ang damdaming pinupukaw sa kanya ni Rogue. Napa-exhale siya. Heto na naman, balik Rogue na naman ang utak niya. Ano kaya ang puwedeng gawin para hindi na niya maisip si Rogue?

Pinatay na lang ni Diwa ang telebisyon. Tumitig na lang siya sa kisame at nag-isip. Mayamaya, natagpuan na naman niya ang sariling abala sa cell phone-pictures na naman ni Rogue ang tinitingnan niya.

ROGUE (PREVIEW)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora