Simula

496 18 3
                                    

"Cham... Champagne, wake up, please." Nagising ako nang marinig si Xander. Pagbukas na pagbukas nang mga mata, kitang kita ko kung paano siya nakaluhod sa tabi ng kama namin at umiiyak.

Napatayo ako at agad siyang dinaluhan.

"Baby, what's wrong?" Niyakap ko siya at biglang mas lumakas ang pag iyak niya. Hinayaan ko lang siya umiyak habang mahigpit ko pa rin siyang niyayakap.

Tumama ang mga mata ko sa orasan sa side table ng kama. It's only two in the morning.

"T-Tyler," His voice broke. "Tumawag si Tita, umuwi daw ako..."

Tuloy tuloy pa rin ang malakas na paghikbi ni Xander. Kumawala ako sa yakap at tiningnan siya ng diretso. I held both his shoulders and searched for his gaze but he couldn't look at me. Napahilamos siya sa mukha gamit ang dalawang kamay bago huminga ng malalim. Sobrang nag aalala na ako, hindi ko alam anong nangyayari.

"He... Tyler was murdered,"

hearing him say those words as if his whole world just broke scared me because I heard it like it was just a normal thing to happen. Deaths and murders were normal to me.

Tyler was his cousin but they were always together since Tyler lived with them. Para niya na itong kapatid kaya hindi ko maisip kung gaano siya nasasaktan ngayon. Hindi ko alam dahil hindi ko pa 'yan naranasan.

"Champagne, I don't know what to do." he cried. Ngayon ko lang nakitang mag break down ng ganito si Xander. Ngayon lang rin ako nakakita ng taong sobra sobrang nasaktan dahil may namatay.

"Get up," I said as I stood up. I extended my arms for him to grab and reach but he just looked at me with his bloodshot eyes. "Ihahatid kita."

Tahimik ang buong byahe. Isang beses lang rin ako nagsalita noong tinanong ko kung saan ko siya ihahatid.

Sa morgue.

"I-I'll stay here," nilingon niya ako. Nag park na ako ng maayos at wala akong balak bumaba. "You should go to your family, Xander. Dito lang ako."

He nods and went out.

I don't want to see people crying over a dead body so I'd rather stay here and wait.

I took my phone from my bag. Wala akong magawa dito at alam kong matatagalan si Xander. Saktong pagkakuha ko ay tumunog ang phone ko na may tumatawag. Kuya Saint.

"Nasaan ka?" his voice immediately raised.

"Bakit?"

"Leave this place, Champagne." napakunot ang noo ko. Napatingin ako sa labas at nakita ko ang isang itim na Aston Martin na nakapark sa hindi kalayuan. I fucking know that it's my Kuya inside that vehicle!

The Joker's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon