Chapter 11

25 1 0
                                    

SYNA's POV

Nagpatuloy ang mga araw at usual ay puro aral, puro asar galing kay stephen at puro pagtago kay Devian.

'Puro week' ang pangalan ng week ko ngayon.

Saturday na at walang pasok. Nagka-ayaan kami ni Archan na maglibot sa labas. Tutulungan ko raw siya mahanap ang witch, baka sakaling mahanap namin at mapilit naming itanggal ang sumpa kay Devian.

Nagdala na rin ako ng rosario para may proteksyon. Paniguradong kanya kanya kami ni Archan pagmay nangyari eh.

Isasama namin si Devian, kaya nga lang in devilchain form. Siyempre para hindi mapagkamalang cosplay o alien.

Nagsuot lang ako ng tshirt at ripped jeans tapos sapatos, at nagpaalam na kela tita Oli na aalis.

"Ay magpahatid ka sa kuya mo, mahihirapan kang pumunta dun kapag hindi ka nagpahatid. Kalilipat mo lang dito, Syna kaya magpahatid ka." sabi ni tita Oli kaya tumango ako at umakyat uli sa taas.

Dahan dahan lang dahil baka mahilo si Devian na nasa bag ko. Naka-half open naman kaya hindi siya maso-soficate.

Kumatok ako ng malakas sa pinto ni kuya Clan at sumigaw.

"KUYA!! IHATID MO DAW AKO!!" sigaw ko habang kumakatok at napairap na lang ako nang marinig na mas nilakasan ni kuya ang sound ng tv niya.

Rinig na rinig ang basketball na pinapanood niya.

"KUYA!!!" sinipa ko na ang pintuan dahil sa inis na mas lalo pang lumakas ang volume ng tv sa loob.

Leche talaga. Mas gusto ko pa ang may ate eh.

Naiinis na tumayo ako ng maayos at tinawag si tita Oli sa baba.

"TITA OLI!! SI KUYA OHHHー!!" biglang bumukas ang pintuan kaya napatigil ako sa pagsumbong.

Bumungad si kuya Clan na naiirita at magulo ang buhok.

"PUTAKTE NA YAN! SAAN KA BA IHAHATID?! BASTA MANAHIMIK KA LANG!" sigaw niya na nagpapikit sakin, nang tapos na siya magsalita ay napahilamos ako sa mukha ko.

"Ano ba yan! Tumatalsik pa yung laway mo!" sigaw ko kay kuya. Blangko ang ekspresyon na tumingin siya sakin tapos bigla na lang tumalikod at sinabunutan ang sarili.

May naririnig pa akong bulong bulong niya bago siya humarap sakin ng nakangiti na kinataas ng balahibo ko.

"O sige na. Saan ba kita ihahatid? Saan ka ba pupunta?" nakangiti at mahinahong sabi ni kuya. Nakakunot ang noo kong tumingkayad ng konti at kinapkapan ang noo at leeg niya.

"May sakit ka ba, kuya? Sa utak? Baka lumala yan. Sabihin ko na kaya kay tita?" nag-aalalang tanong ko kay kuya na nakangiti pa rin. Umayos ako ng tayo nang makitang unti-unting nawawala ang ngiti ni kuya.

Magsu-super saiyan na toh, panigurado. Baka maghame hama wave kaya nagsalita uli ako.

"De joke lang, di ka naman mabiro. Ha.ha.ha.ha! Lika na nga! Hatid mo na ko sa SM!" sabi ko at hinatak siya. Nagpahatak naman siya kaya hindi na ako nahirapan.

Nang nasa garahe na kami, sumakay siya sa motor niya at nagsuot ng helmet. Sumakay na rin ako at sinuot ang helmet na nakalagay sa likod.

Binuhay niya na ang makina at pinaandar. Kumapit ako sa likod para hindi mahulog at iniharap ang bag.

Pumikit ako at pinakiramdaman ang lamig ng hangin. Ngayon ko lang uli naramdaman ang ganto, sa probinsya ay tricycle ang panghatid sundo sakin ni papa.

My Devil KeychainWhere stories live. Discover now