Ranz

469 19 0
                                    

The Reason - Chapter Five

-RANZ-

"Kase hinabol ako ng mga fans ko eh. Badtrip nga kase naligo ako ng pawis. Pero masaya rin kase may nakilala ako" sabi ko habang may mga ngiti sa labi ko.

"Nako pre inlove ka no? Sino yung chix na yan. Pakilala mo sakin para agawin ko sayo. Haha" binatukan ko naman agad si Owy.

"Aray naman pre. Joke lang naman, di ko ipapagpalit mga babe ko sa sweetheart mo. Ewan ko sayo" pagmamaktol ni owy habang himas himas ang likod ng ulo nya.

"Magsimula na nga tayo" sagot ko naman sa kanila. Ayoko ng ikwento yung nangyari baka tuksuhin lang ako ng mga 'to.

One two three four

One two three four

One two three four

Kalahati na yung namememorize namin na sayaw ng sumigaw si Biboy ng breaktime. Buti naman kase uhaw na ako kakasayaw, dry na dry na lalamunan ko.

"Kaya pala late si Ranz kase dahil dito sa magandang chix na nakausap nya." Sabi ni Oliver habang kinakalikot yung phone nya. Agad namang nagsilapitan yung apat para tingnan yung phone ni Oliver.

"Pre, lagot ka! Binabash na yung chikabebs mo sa twitter. Trending na oh. #FeelerNaRanzter" agad ko namang tiningnan ang twitter ko dahil sa sinabi ni Clarence. At agad naman silang nag open ng kanya kanya nilang twitter sa mga phone nila.

"Shit" yun lang yung nasabi ko habang nagsscroll down sa mga harsh tweet na trend ngayon. Si maze kase binabash nila. Chineck ko agad twitter nya, flood din kase notification ko para magreadback pa.

We may haven't had a selfie but 2 hourse conversation with you is all worth it. Thank you! I wont give up @ranzkyle *picture ko habang nakatalikod*

I find it cute kase pinicturan pa talaga nya ako out of nowhere. Di nalang sya humingi ng selfie.

Di ako nakabili ng ticket sa concert niyo @chicserofficial kase sold out na :(

Hahaha. Childish ata sya eh. She act like she's just eight years old.

"@ranzkyle still thankful for today. Thank you and sorry again for what I've said earlier. Haha"

Naalala ko tuloy yung pagtawag nya sakin ng snob. So its pay back time. *smirk*

"@magizequel Hi maze! Thanks for the two hrs conversation with you. I really had fun. See you soon and dont give up. Okay? ;)"
Tweet sent

"Totoo pala pre? Kaa ko isa rin sya sa mga taga gawa ng kwentong fans mo eh. Pero ganda nya ha." Sabi ni Owy.

"Totoo owy. Tingnan mo suot kanina ni ranz tapos yung sa picture na pinost nung girl kapareho" Sabi naman ni Oliver at tiningnan naman ng mabuti ni Owy yung pic.

"Oo nga no. Yan yung sweatshirt ni Ranz kuya."

"Ganda ng shot nya" sagot naman ni Biboy.

"Pre, ipagtanggol mo naman. Binabash eh, kawawa naman" Sabi naman ni Ully. At naalala ko tuloy yung pag iyak nya kanina.

"Og sige pre. Iyakin kase yun. Pero pre kahit umiiyak ang cute parin" Sabi ko naman habang nirereminisce yung nagyari kanina.

"Oy pre! Magkwento ka!"

"Teka magtitweet lang ako" Sagot ko naman sa sinabi ni Clarence. Alam ko di nila ako titigilan hanggat di ko ikinikwento yung nangyari.

"Please wag nyo i-bash si Maze. Mabait syang tao at hindi sya gumagawa ng kwento. Its true that we had a conversation lately." Tweet sent

"P.S. stop the hate. Pati yung hashtag na yan itigil na. Kung hindi malalagot yung nagpatrend nung hashtag na yun" tweet sent

"P.P.S. ako lang ang may karapatan tawagin syang Maze so beware!!" tweet sent

Nang matapos ako magtweet ay saka ko sinimulan ang kwento ko. Umabot ata ng kalahating oras yung pagkikwento ko kase palagi silang may side comments sa mga naganap. And I observed na interested din silang makilala si Maze.

FALL (A Ranz Kyle Fan Fiction Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon