Chapter 29

76 22 0
                                    


Chapter 29: Kiro is courting her




Eunice's  Point of View




6:30 am. |  Saturday.


zZzzz.......

zZzzz.......

zZzzz.......


"Eunice, hija gising kana ba?"


"Eunice!"



"Dad ano ba natutulog pa yung tao tsk!" angal ko. Padabog kong binuksan yung pintuan nitong kwarto.



"Hay! Ikaw talagang bata ka akala ko kanina kapa gising mamaya pumunta ka kila Ate Samantha mo iabot mo itong mga folder na ito" - Daddy.



Ako na naman! Hindi nalang kasi siya.




"Opo. Dad andyadyaan naman sila Yaya bakit hindi ipautos sakanila ito tsk!"



"Umaangal kapa huh? Sino ba kasing nagsabi na magpuyat ka"



"Dad anong oras nako nakauwi ng bahay tyaka ang tagal nagsimula yung taping namin"


"Basta ibigay mo yang mga folder na yan kay Ate Sam mo." sabi ni Daddy Cielo sa akin.


"Oo na po."


Pagkatapos kong isarado yung pintuan humiga ulit ako sa kama nakakapagod parang ayoko munang gumalaw.



After 5 minutes...


Tapos na kong maligo at ready nakong lumabas ng bahay para ibigay tong mga folder kay Ate Sam.





Nang makapasok ako sa sala nila rinig kong may mga pamilyar na boses akong naririnig naglakad ako papuntang dining room nila Ate Sam nakita ko si Kuya Kurt na nakikipag kwentuhan kay KIRO??!





Bakit niya kilala sila Kuya Kurt tsaka anong ginagawa niya dito?




"Eunice! Ito naba yung pinaabot sayo ni Tito?"


"Ah, ito nga po."


"Nag breakfast kana ba? gusto mo sumabay samin"

"Hindi na po."



Aalis na sana ko ng tawagin ako ni Kuya Kurt. Pinilit kong huwag pansinin yung paninitig sakin ni Kiro.

"Eunice siya nga pala si Kiro anak ng business partner ni Ate Sam"


"Yeah! I know him he's my classmate." tipid kong sagot.


"O! Magkakilala na pala kayong dalawa hahaha" - Kuya Kurt.





Lumabas na ko ng main gate nila bago yun nakareceive ako ng text message galing kay Kiro.




From Kiro:
Hintayin mo ko huwag ka munang umalis may sasabihin lang ako sayo.

To Kiro:
Bakit di mo na sabihin ngayon!

From Kiro:
Gusto ko kasing sabihin sayo ng personal.

To Kiro: Sige magaantay ako.




Maya-maya lang andidito na siya sa harapan ko.



"Anong sasabihin mo?"



"Eunice, yung binigay kong papel sayo at kung ano yung nakasulat duon totoo yun" 


"So?"



"Alam ko namang si Dwight yung gusto mo. Pwede ba akong manligaw sayo?"


"......"



"Eunice!"




"Pwede bang kong manligaw sayo?"



"........"




"Silence means yes kaya liligawan kita." nakangiting sabi pa niya.

Bwiset! Patay, ako nito kay Daddy hay!

Tumakbo nako ng bahay pauwi arghh! nakakainis ka kiro di ko naman sinabing ligawan mo ko porket gusto ligaw agad tsk!



Nang makarating ako sa bahay hindi ko na pinansin si Daddy na busy sa panonood ng tv kaya duniretso nako paakyat ng kwarto. 

Humiga muna ko sa kama tyaka ko tinext si Kristine.

To Kiro:
Tine! Si Kiro...

From Kiro:
Liligawan ka?

To Kiro:
Tsk!

From Kristine:
sabi na nga ba eh! hahaha good luck na lang sakanya kung mapasagot ka kung sasagutin mo ba?!

To Kiro:
Isa ka rin eh no! Bakit niya pa kasi balak na ligawan ako.

From Kristine:
Haba ng hair mo teh amina nga at puputulin ko hahaha!

To Kristine:
Ge. Punta ka rito dali hahaha baliw ka talaga Kristine Annika.

From Kristine:
Hahaha! Ikaw talaga X--Eunice hehe.

To Kristine:
Subukan mong banggitin yung first name ko! Yari ka sakin sa monday.

From Kristine:
Okay, okay. Aabangan naman kita eh! basta ba libre mo narin pati pagkain. Hahaha di nako takot sa batok mo sakin Eunice mwahahaha!

To Kristine:
Tse!


 -  -  - -  -  -




Tinawag na ko nila Yaya para kumain ng tanghalian maga-alauna na pala! Ang tagal ko palang nasa kwarto di bale na nga. Lumabas nako ng kwarto para kumain na.



Si Daddy ayun nagbabasa ng dyaryo galing diba! Di man lang ako sinabayan kumain. Hay! At mabuti nalang hindi niya alam na may nagbigay sakin ng confession letter.



Paano na lang kung malaman niya at tyaka etong si Kiro may balak pa ata akong ligawan patay ako nito kay Daddy!

과즙 (Crush)Where stories live. Discover now